Abante Tonite Interactive

Clique V nabago ang buhay

By
0 277

Wala pang isang taon matapos mailunsad ang grupong Clique V ay marami-rami na rin ang mga show at achievement nila.

Nitong huli nga ay na-nominate pa ang album nila bilang Dance Album of the Year at sila bilang Duo/Group Artist sa katatapos lamang na Star Awards For Music. Nagkaroon pa nga ng pagkakataon mag-perform sa nasabing awards night.

Sa guesting nila kamakailan lang sa online show ng Abante Tonite, ang Showbiz Pamore ay kinuwento nila kung paano nabuo ang kanilang mga pangarap. From 5 members mas lumaki ang grupo nila na naging siyam na. Sila ay sina Rocky, Blaise, Calvin, Clay, Sean, Karl, Kaizer, Marco and Gabby.

Abante Hiring – IT dep

Tinawag silang Clique V dahil daw sa pagkakapareho ng kanilang interes. “We have the same interest in music that’s why Clique and V is a symbol of balance,” esplika ni Marco na lumaki sa Vienna, Austria.

Karamihan din sa kanila ay galing sa Model search na Circle of 10. Si Karl Aquino naman ay runner-up ng Mr. Olive C search at ang iba ay nag-audition. Nasa pa­ngangalaga sila ni Ms. Len Carillo ng 3:16 Ma­nagement. Bukod sa pagiging boyband, pinasok na rin nila ang pag-arte.

Sean: Katatapos lang namin ng indie movie (Kodep). It’s an advocacy film.

Karl: Tungkol po ito sa drugs na napapanahon sa generation ngayon. This is directed by Neil Tan.

Sa nasabing pelikula ay may bida na kami­yembro nila pero wala naman daw problema ito sa grupo dahil nagsusuportahan sila. Desisyon daw ito ng management at alam naman daw nila na sa mga susunod na projects, iba naman ang magsa-shine.

Paano naman nabago ang buhay nila mula ng maging Clique V member? Nag-i-enjoy ba sila?

Blaize: Dati po kasi school lang. Nakalabas na din po ako sa isang indie film nakasama ko si Jeric Raval. Minotivate po niya ako at sinabing mag-workshop lang. Then napasok ako sa Clique V, na-enjoy ko na ang mga mall show.

Karl: School bahay lang din po ang routine hanggang no’ng 14 na ako pumasok ako sa showbiz. Happy ako na napasama ako sa Clique V. Nag-i-enjoy ako kasi hilig ko talaga ang pagsasayaw.

Sean: Nadagdagan ang experience ko pagpasok ko sa Clique V. Napakasarap sa feeling na nagpe-perform sa maraming tao.

Kahit baguhan pa lang sila ay marami na silang mga tagahanga. Sigurado na malayo pa ang mararating ng Clique V na hindi lamang mga guwapo kundi mga ta­lented pa.