Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cloe inalok ng kalaswaan

0 68

Ni: Archie Liao

Patindi nang patindi ang mga role na natotoka sa magaling na aktres na si Cloe Barretto.

Sa latest movie niyang ‘The Influencer,’ muli na naman siyang nagpasiklab sa kanyang pagganap bilang isang obsessed fan na ini-stalk ang isang fuccboi na social media influencer.

Sa naturang pelikula na idinirehe ni Louie Ignacio, marami silang maiinit at mapangahas na mga eksena ni Sean de Guzman.

Ani Cloe, wala raw namang ilangan sa kanila ni Sean sa paggawa ng ganoong ka-daring na mga eksena dahil parang kapatid ang turing nito sa aktor na kasama niyang talent sa 3:16 Media Network ni Len Carillo.

Sa tunay na buhay, naranasan na rin daw niyang ma-stalk ng fan.

Katunayan, maraming beses na rin daw siyang nakatanggap ng indecent proposals sa mga taong hindi niya kilala lalo na nang magpa-sexy siya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayunpaman, hindi raw niya in-entertain ang shady deals ng mga taong may pagnanasa sa kanya.

Sa tanong naman kung ano sa palagay niya ang magiging reaksyon ng actor-politician na si Daniel Fernando na dati nang na-link sa kanya.

Ani Cloe, marahil daw ay maiintindihan naman ng Bulacan Governor ang kanyang pagpapaseksi dahil isang artista rin ito.

Hindi raw naman siya iyong tipong namimili ng trabaho kaya bukas sa kanya ang posibilidad na maka-work rin ito.

Ang The Influencer na isinulat ni Quinn Carillo ay tungkol sa kuwento ng isang social media idol na naging bangungot ang buhay nang pumatol siya sa isang obsessed fan na nauwi sa trahedya.

Bukod kay Sean, kasama rin sa pelikula sina Karl Aquino, Quinn Carrillo, Tiffany Grey at Calvin Reyes.

Mula sa produksyon ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions, mapapanood na ang pelikula sa Vivamax simula sa Agosto 12.

Leave A Reply

Your email address will not be published.