Abante Tonite Interactive

Closet queen mahilig mangagat ng utong Government exec bida sa sex video

667

Kapag nagkataon, magkabilang sampal ang aabutin ng isang ambisyosong government official sa kanyang misis at pandirihan ng buong pamilya kapag sumambulat ang sex scandal kinasasangkutan nito.

Kung tuluyang kuma­lat ang sex video scandal ng ambisyosong go­vernment official, ma­lamang matatadyakan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kapag nagkaroon ng pagkakataon na magkita sa official event sa Malacañang dahil sa pandidiri lalo pa’t sa la­laki nakikipagharutan.

Sa impormasyong nakarating sa Tonite, nakakatawa ang mga eksena sa sex video scandal at malaking kahihiyan sa pamilya ng ambisyosong government official dahil hindi sukat akalain ng mga itong meron palang itinatagong kaberdehan sa katawan.

Isang sex video ang lumutang na nakikipag­landian ang ambisyosong government official sa kaparehong la­laki kung saan nakahubad ang mga ito.

Sa video, nakikipag­landian ang ambisyosong goverment official at inuutusan ang kaparehang lalaki na pagbigyan sa kanyang special request—ang ipakagat sa kanya ang nipple, as in utong nito.

Mapapanood sa vide­o ang katagang “Sige na pakagat ng utong,” alinsunod sa request ng ambisyosong government official sa kaparehang lalaki.

Naputol lamang ang video sa paghalik ng ambisyosong government official at hindi na ipinakita pa ang kasunod na mga eksena pagkatapos kagatin ang utong ng kaparehang lalaki.

Halos masuka ang source nang mapanood ang video dahil animo’y babaeng nilalalandi ng ambisyosyosobg goverment official ang kaparehang lalaki at pabulong ang paulit-ulit nitong request na sa bandang huli’y pinagbigyan ito.

Halos lahat ng mga malalapit kay Pangulong Duterte ay nalaman ang sex video scandal ng ambisyosong government official subalit walang naglalakas-loob magsa­lita bagkus palihim na ginawang katatawan na lamang ang kuwento.

Hindi lang matipuno ang pangangatawan ng ambisyosong go­vernment official bagkus napakaangas sa ahensiyang pinamumunuan kung kaya’t hindi makapaniwala ang mga kasamahan na kaparehong Adan at hindi Eba ang kanyang hanap.

Kahit sa labas ng Malacañang, sentro ng katatawanan o tsismis sa mga umpukan ang pagkagat ng utong ng ambisyosong government official sa kaparehang lalaki kapag nakikita sa mga event ito.

Kung hindi naging ambisyoso sa posisyon, hindi nakikilala ang opis­yal, itoy sentro ngayon ng kaliwa’t kanang pagbatikos at laman ng intriga sa media dahil sa ginawang aksyon. Me­ron military background ang ambisyosong government official at umaastang bata.