Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clover shot ng China, 79% epektibo

0 135

Isa na namang vaccine na may 79% kakayahang makaiwas sa coronavirus disease (Covid-19) at malabanan ang delta strains, ang naimbento ng Sichuan Clover Biopharmaceuticals Inc .

Ito ang unang bakuna mula sa China na may malinaw na taglay laban sa virus waves na sumasakop sa mundo.

Naglalabas ng protein ang Clover na tulad ng Novavax Inc. na sinasabing 100% effective laban Covid kabilang na ang delta, gamma at base sa trials na unang ginawa sa India, Brazil at Colombia.

Nakakaiwas ang vaccine ng 67% ng anumang Covid strain, ayon sa kompanya sa western Chinese city ng Chengdu.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na ang efficacy data ay binase sa 207 kaso ng Covid symptomatic matapos ang isinagawang clinical trial sa mga participants na nakatanggap na ng kanilang 2nd dose ng Clover shot.

Ang Clover’s shot ay ginastusan ng $328 million mula sa Coalition for Epidemic Preparedness Innovations, na nasa likod din ng bumuo ng AstraZeneca Plc at Moderna Covid vaccines.

Nakipagkasundo ang Clover sa vaccine alliance Gavi na magsusu-supply ng 414 million doses sa Covax, isang programa na suportado ng World Health Organization na naglalayong mabakunahan ang mga nasa world’s poorest nations. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.