Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COA: 339 contractors ng NIA, ineligible

0 100

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang pagpasok ng National Irrigation Administration(NIA) sa kontrata sa may 339 contractors para sa mga proyekto nito na pawang hindi umano pasado at “eligible contractors”.

Sa 2019 annual report ng COA, sinabi nito na ang P19.986B na kontrata ng NIA na binigay nito sa 339 contractors ay pawang lumabag sa procurement laws.

Ang mga nabigyan ng kontrata ng NIA ay pawang wala umanong naisumiteng documentary requirements, procurement timelines, hindi dumaan sa post-qualification evaluation at hindi nakasunod sa bid and performance security.

“In awarding these contracts, NIA violated the 2016 Revised Implementing Rules and Regulations of the Government Procurement Reform Act, together with the manual of procedures of the Government Procurement Policy Board,” ayon sa report ng COA. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.