Abante Tonite Interactive

COA: P6M nilustay ng PHILRACOM sa lakwatsa, luho

475

(UPDATED)

Inatasan ang Commission on Audit si Philippine Racing Commission Chairman Andrew A. Sanchez, anim na commissioner at ilang executives na ibalik ang P6M na iligal na ginamit nito para umano sa pansariling benepisyo mula sa meals, travel tickets hanggang cellphone load noong 2018.

Sa annual audit report ng COA, 90 porsiyento ang natuklasang “irregular expenses” na nagamit umano nina Sanchez at commissioners Ramon S. Bagatsing, Jr., Lyndon Noel B. Guce, Bienvenido C. Niles, Jr., Jose P.G. Santillan, Jr., Victor V. Tantoco at Wilfredo Jefferson A. de Ungria.

Inutusan ang Philracom na isauli ang P6.051 million per diem at allowances na iligal umanong kinuha; walang sapat na dokumento para suportahan ang maling naging papremyo lalo’t walang kaugnayan sa promosyonal na gawain.

Ayon sa COA, lampas ang monthly allowance at per diem ni Sanchez ng P3.072M samantalang P2.93M naman ang sa anim na commissioner.

Dagdag pa rito, naghain din ang COA ng P48,000 charge sa kanilang legal consultant para sa Philracom meetings lang kasama ang Office of the Solicitor General.

Pinunto ng COA “a.) Without legal basis; b) no sufficient documents supporting the validity thereof and c) erroneously charged to Prizes account since the expenses incurred were charged for their meals meals, media promotions, gasoline, parking and toll fees.”

Pinapa-refund ng COA ang P.102 million para sa mga foreign travel expense ng Philracom official at staff dahil sa “incomplete documentation, incurrence of unnecessary and costly traveling expenses, and excessive daily subsistence allowance.”

“The said practice was very costly and not beneficial on the part of the government especially the purpose of the travel was just to attend conferences and international races in different places of which no back to office reports submitted to assess the necessity of the travels,” giit ng COA.

Bukod sa pitong matataas na opisyal, pinapabalik din ng COA ang mga nagastos ng Philracom employees na “P.265M overtime fees na lampas ng 50 percent limit sa mga empleyado base sa taunan nilang suweldo.”; “P210,408M na nilustay sa Philracom’s Christmas celebration sa Carmona, Cavite at pagbili ng mga pabango, alak, at regalo na pinamigay sa mga kawani ng iba pang ahensya ng gobyerno.

Kasama rin ang “P88,000 sa pagbili ng 730 pieces na SM Gift Passes at 73 shirts na walang legal authority”; “P54,000 sa purchases ng 80 pieces ng sweet ham at 80 pcs. ng queso de bola”; at “P.126M pre-paid load para sa legal consultant at Philracom Commissioners na mga bawal din.”

Kinuwestiyon din ang Philracom sa pagpapadala ng dalawang opisyal na isa lang ang layunin – sina Guce at Alejandro C. Cambay, Jr. noong May 13-18, 2018 sa Seoul, South Korea para “37th Asian Racing

Conference”; at sina Bagatsing at Nile sa October 4-10, 2018 na 52nd International Conference of Horse Racing Authorities.

“The said practice was very costly and not beneficial on the part of the government especially the purpose of the travel was just to attend conferences and international races in different places of which no back to office reports submitted to assess the necessity of the travels,” giit ng COA.

Heto ang naging sagot ng Philracom sa nasabing isyu: