Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COA may werpa kalkalin Red Cross – DOJ chief

0 59

Mayroong kapangyarihan ang Commission on Audit (COA) para silipin ang financial record ng Philippine Red Cross (PRC) dahil tumatanggap ito ng subsidy o pondo mula sa pamahalaan, ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra.

“Under the constitution, the COA has the power to examine on a post-audit basis all accounts pertaining to the expenditure or use of fund by any non-governmental entity receiving subsidy or equity, directly or indirectly, from or through the government,” paliwanag ni Guevarra.

Ipinahayag ito ng kalihim matapos igiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat lamang ma-audit ang PRC na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon bilang chairman nito.

Sabi ni Guevarra, tumatanggap ang PRC ng subsidy o pondo galing sa pamahalaan sa pamamagitan ng Philippine Charity Sweepstakes Office. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.