Abante Tonite Interactive

COA nalula sa ginastos ng Office of the President

By
4,525

Nasilip ng Commission on Audit (COA) ang mga unliquidated cash advance na ipinagkaloob sa mga opisyal at empleyado ng Office of the President (OP) na umabot sa halagang P6.426 milyon gayundin ang mga unutilized cash advance na ‘due for refund’ na umaabot naman sa halagang P447,275.

Sa 2017 annual audit report sa OP na pinamumunuan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, natuklasan­ ng COA na walang anu­mang demand letter na inisyu ang chief accountant upang obligahin ang mga accountable officer na i-settle ang kanilang mga unliquidated balance.

Partikular na nakitang malaking problema sa liquidation ng tanggapan ay ang pag-host ng bansa sa nakaaang 2017 ASEAN Summit.

Abante Hiring – IT dep

Bukod dito, nasilip din ng COA ang paglobo ng mga gastusin na nagamit para sa 2017 at 2016 sa ilalim ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE).

Ang consultancy ser­vices ay lomobo sa P3.092 bilyon sa taong 2017 mula sa P19.317 milyon lamang noong 2016, gayundin naman ang mga gastos sa mga supply at material, na lomobo rin ng P114.131 milyon noong 2017 mula sa P72.932 milyon noong 2016.

Ang communication expenses ay tumaas din sa P24.015 milyon mula sa P15.658 milyon.

Kabilang pa rin sa MOOE ay ang gastusin sa ilalim ng ‘Confidential,  Intelligence and Extraordinary Expenses’ para sa 2017 na tumaas rin sa halagang P2.515 bilyon mula lamang sa P715.356 milyon noong 2016.

Hindi naman naka­saad sa report ang pagtaas ng intelligence budget ng OP na hiningi ng pangulo para sa kanyang patuloy na kampanya kontra droga.