Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COA P12M cash advance ginastos sa mga biyahe

0 62

Kinuwestiyon ng mga state auditor ang kanilang mga kasamahan sa central office ng Commission on Audit (COA) dahil umano sa mga unliquidated cash advance na nagkakahalaga ng P12.3 milyon.

Ito’y matapos na malaman uano sa independent audit na pinamunuan ni COA Director Pearl Ramos na 99% ng mga cash advance ng komisyon para sa foreign at local travel ay hindi pa nali-liquidate nitong katapusan ng 2020.

“Interview with the accounting staff disclosed that a memo was sent to respective accountable officers regarding their outstanding cash advances, but still some cash advances remain unliquidated as of Dec. 31, 2020,” batay sa report.

May ilang opisyal ng COA na bigo rin umanong ibalik ang sobrang cash advance sa tamang panahon.

Sinita rin ng mga state auditor na ang 42 karagdagang cash advance na umabot umano sa mahigit P13.6 milyon ay ibinigay sa mga opisyal at empleyado kahit hindi pa na-liquidate ang kanilang mga nakaraang cash advance.

Giit ng mga auditor na dapat obligahin muna ang mga opisyal at kawani na magpakita ng sertipikasyon mula sa accountant bilang patunay na na-liquidate na ang mga nauna nilang cash advance.

Tugon naman ng pamunuan ng COA na na-liquidate na umano nitong Abril 2021 ang mahigit sa P1.3 milyong cash advance para sa foreign at local travel. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.