Abante Tonite Interactive

COA: Pay hike ng mga Pag-IBIG employee iligal

359

Dahil walang pag-apruba mula sa Office of the President, iligal ang ibinigay na salary increase sa mga opisyal at kawani ng Home Development Mutual Fund (HDMF o Pag-IBIG Fund), ayon sa Commission on Audit (COA).

Sa ipinalabas na 2018 annual audit report ng COA, iniutos nito na itigil ng Pag-IBIG ang pay hike dahil maituturing na illegal disbursement ang ipinalabas na P248.319 milyon.

Alinsunod umano sa Presidential Decree No. 1597, sa COA circular at Department of Budget and Management rule, ang salary increase ng mga manggagawa ng Pag-IBIG ay dapat aprubado ng Pangulo at kung hindi ay ituturing na illegal expenditure.

Una nang inaprubahan ng COA board ang P255.527 milyong supplemental budget para sa dagdag bonus at sahod ng may 3,561 kawani at opisyal ng Pag-IBIG. (Tina Mendoza)