Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COA `pinalusot’ muna mga nirereklamong kandidato

0 121

Hindi magsasagawa ang Commission on Audit (COA) ng special audit sa lahat ng mga kakandidato sa halalan sa 2022 kahit pa may reklamong isinampa sa kanila.

Inisyu ng COA ang Resolution No. 2021-024 noong September 28, 2021 kung saan sinuspendi nito ang pagbuo ng mga fraud at special audit teams gayundin ang paglalabas ng mga report at desisyon sa lahat ng mga kasong may sangkot na kandidato sa national at local elections sa susunod na taon kasama na ang mga nominado ng mga party-list group.

Sinuspinde ng COA ang pagbuo ng fraud at special audit team, at ang paglalabas ng mga audit report mula Oktubre 1 hanggang Mayo 9, 2022.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ng COA, marami itong natatanggap na mga kahilingan para sa fraud/special audit laban sa mga kandidato, kasama na ang mga nominee ng mga party-list group kapag malapit na ang eleksiyon. Marami rin umano ang nagpa-follow up ng kanilang apela o petisyon tungkol sa mga kandidato kapag naghain na ito ng certificate of candidacy.

Paliwanag ng COA, mahalagang aksyonan ang mga reklamo at petisyon subalit maaari rin kasi ituring na pinapaboran o pinag-iinitan nila ang isang kandidato sa panahong ito.

Ayon sa resolusyon, isang independent constitutional body ang COA at dapat pinaiiral nito ang pagiging neutral o walang kinikilingan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.