Abante Tonite Interactive

COA sa Tulfo bros: P120M DOT ad scam isoli

By
1,802

Inatasan ng Commission on Audit (COA) ang magkapatid na Tulfo na ibalik sa gobyerno ang P120 milyon mula sa kontrobersiyal na advertisement deal sa Department of Tourism (DOT) na pinamumunuan noon ng ka­patid nilang si Secretary Wanda Tulfo-Teo dahil sa “conflict of interest”.

Ayon sa 2017 audit report, hindi lang P60 milyon kundi P120 milyon ang nilagdaang kontrata ng Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) para sa pagsasaere ng komersyal ng DOT sa programang “Kilos Pronto” nina Ben at Erwin Tulfo sa PTV-4.

Matapos ang pagsusuri, nagpalabas ng notice of disallowance ang COA sa naturang gastos sa kabila ng nilabas na pruweba hinggil sa paglabas ng komersyal sa programa ng magkapatid na Tulfo sa PTV-4

“Not withstanding the above justifications and explanations, a Notice of Disallowance under ND No. 18-002-101 (2017-2018) dated June 5, 2018 on the subject transaction was issued,” ayon sa COA report.