Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COA sinita NMP sa hazard pay, biniling artwork

0 199

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit(COA) ang National Museum of the Philippines(NMP) kaugnay sa pagpapahiram ng mga archeological specimen kabilang ang mga artworks na nagkakahalaga ng P42.9M at pagbibigay ng COVID 19 hazard pay sa piling mga empleyado nito.

Sa NMP Annual Audit Report ng COA sa NMP sinabi nito na kinakitaan ng irregularity ang 42.9 million disbursements ng NMP gayundin ang pagbibigay ng P20,967.80 hazard pay.

Ayon sa CO nagkaroon ng “inadequate internal control” sa loan at transfer sa mga government agencies at private institutions ng Works of Arts and Archeological Specimens ng NMP.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lumilitaw na ang mga Inventory Report ng NMP sa mga collections nito ay walang kumpletong mga detalte at reference numbers.

“They failed to submit the list of artworks and specimens they loaned, thus, preventing the Audit team to fully verify whether the internal procedures and policies are being enforced and complied with accordingly.”ayon sa COA. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.