Abante Tonite Interactive

Coach Chot ‘di malunok ang desisyon ng FIBA pumiyok pa!

By
5,334

Tanggap man ni Chot Reyes ang desisyon ng FIBA hinggil sa ­Gilas Pilipinas-Australia basketball riot sa World Cup Asian Qualifying noong Hulyo 2 sa Philippine Arena, pero giniit ng national coach na hindi siya nagbigay ng instruction sa kanyang players para manakit.

“I stand with our national federation (Samahang Basketbol ng Pilipinas) in respecting FIBA’s findings,” anang statement ni Reyes. “I have never given instructions to hurt nor incite unsportsmanlike beha­vior, and in my 20 years as Head Coach in the PBA and 7 years at the helm of Gilas, I have never been involved in any such incident.”

Ang ‘inciting unsportsmanlike behavior’ ang dahilan ng one-game suspension ni Reyes na pinagmulta pa ng (Swiss franc) CHF 10,000.

Ang assistant niyang si Jong Uichico ay binigyan din ng three-game suspension.

Sampung Gilas player ang sinuspende ng FIBA nang mula isa hanggang anim na laro: Japeth Aguilar at Matthew Wright (1 game each); Terrence Romeo, Jayson Castro, Andray Blatche at Troy Rosario (3 games each); RR Pogoy, Carl Bryan Cruz at Jio Jalalon (5 games each); at Calvin Abueva (6 games).

Walang sanction kina June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Baser Amer at Allein Maliksi.

“I deeply regret what happened last July 2, and again apologize together with our players and staff,” dagdag ni Reyes. “As we work to put all this behind us, we reite­rate our commitment to serve our flag.”