Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coach Erik wow kay Butler: Petmalu ka Jimmy

0 169

PINURI ni Miami Heat Fil-American coach Erik Spoelstra si Jimmy Butler matapos buhatin ang koponan sa 111-108 panalo kontra Los Angeles Lakers sa Game 5 ng 2020 NBA finals kahapon.

Nagtala ng panibagong triple-double sa finals series si Butler upang tulungan ang Heat na makahirit ng Game 6 bukas na ikakasa pa rin sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Nasalto ang confetti na ilalaglag sana sakaling nanalo ang Lakers.

Abante ang Lakers ng 3-2 sa kanilang best-of-seven series, posibleng maudlot muli ang selebrasyon sa Game 6 kung mananatiling maglalaro ng todo si Butler para sa Miami.

SM food to go Banner Ad

“His will to win is remarkable,” hayag ni Spoelstra.

“To do that in 47-plus minutes and take the challenge on the other end, every young player coming into this league should study footage on Jimmy Butler.”

Palakpak tenga naman si Butler sa papuri ni Spoelstra.

“That’s what the team asked of me. That’s what they need me to do,” wika ni Butler na rumatsada ng 35 points, 12 rebounds at 11 assists.

“I know I’m capable of it. I have a great group of guys around me. That gives me a lot of confidence to go out there and hoop.” (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.