Abante Tonite Interactive

Coach Franz focus na sa Falcons

125

Pinagbigyan ng GlobalPort management si Franz Pumaren na mag-leave muna, at ngayon ay makakapag-focus na ang coach sa Adamson Falcons sa UAAP.

“It’s our turn to give way to Adamson’s dream of winning their second UAAP championship,” ani Batang Pier governor Erick Arejola. “Adamson allowed Franz to handle GlobalPort for a season so this time we will return the favor for them.”

Hindi nadala ni Pumaren ang GlobalPort team ni Rep. Mikee Romero (1Pacman) paalpas sa quarters, pero saludo ang mana­gement sa kanyang sakri­pisyo.

Bukod sa mga ga-buhok na talo, nakadagdag sa kalbaryo ng Batang Pier ang knee injury ni star player Terrence Romeo. Nawala pa ng dalawang crucial games si Fil-Am Stanley Pringle na umuwi ng US dahil namatay ang ama.

Isang taon lang mawawala si Pumaren sa GlobalPort.