Abante Tonite Interactive

Coach Guiao multado

By
4

Nilapatan si Rain or Shine coach Yeng Guiao ng P22,500 fine kahapon ng PBA sa pagbatikos sa pro league at sa officiating sa Oppo Governors’ Cup noong Linggo sa MOA Arena kontra sa tinalo nilang Alaska 117-114.

Ang pahayag niyang ‘Wala ng nanonood sa atin, ref’ makaraan ang second technical fouls sa third period ang nakatawan sa P20,000 samantalang ang P2,000 pa ay sa technical foul naman sa pagpasok sa court sa second quarter.

Multado rin si RoS big man Beau Belga ng P5,000 sa flagrant foul na naitawag sa kanya sa nabanggit ding laro.

Abante Hiring – IT dep