Abante Tonite Interactive

Coach Miguel‘di pa maka-move on

174

‘Di lubos maisip ni National University Lady Bulldogs coach Norman Miguel kung paano nila natalo ang University of the Phili­ppine Fighting Lady Maroons.

Nitong Miyerkoles, Mar. 13, ginulat ng Lady Bulldogs ang Lady Maroons nang alpasan at nakawin nila ang gitgitang five-set match 25-17, 14-25, 17-25, 25-23, 17-15.

“Hindi ko rin ma-explain kung anong nangyari sa game. Hindi ko rin ma-explain kung paano kami, we came that in persona na manalo. Tiniyaga lang talaga, in-enjoy, walang pressure,” lahad ni Miguel sa postgame interview.

Napag-usapan din aniya nila na kailangan pang mas umangat sa huling dalawang laban sa first round at sa pagpasok ng second round at hindi na dapat isipin na rookies sila dahil kaya namang makipag­sabayan sa mga kalaban.

“Going to the second round nagstep-up na talaga kasi kaya naman din talaga. Kaya naman ding lumaban regardless of all the liabilities, lahat sila kailangang mag-step-up,” hirit niya.

‘Di rin aniya dapat kalimutan na kahit rookies ang karamihan sa kanila, ay malaki na rin ang karanasan at character ng mga ito bilang champions sa UAAP high school.