Abante Tonite Interactive

Coach Ponga magpaliwanag ka!

TURNING POINT

By
1,593

Pangalawang linggo nang inaabangan ng inyong abang lingkod ang panig ni National cycling women’s team coach Cesar ‘Ponga’ Lobramonte.

Siya ang isa mga tinuturo base sa nasagap kong mga kuwento sa mga kasapi ng koponan na takot lang magpakilala para hindi anila sila maalis sa national training team/pool, at ilan sa komunidad ng sport sa isyung hindi paglahok ni Marella Vania Sa­lamat sa papasok na buwang 18th Asian Games 2018 sa Indonesia.

Isa sa matapang na lumantad at kinumpirmang isa ito sa mga salarin ang kasamahan ko sa hanapbuhay na si Caecent Noot-Magsumbol, ang mabait, matinik pero matapang na lady sportswriter na nakabase sa Cebu City.

Abante Hiring – IT dep

“Actually..d lng c Ponga ang may sala jan…pero sa mga taong tinotolerate pa rn cxa…aside k Marella may iba pang mga potential dn jan..pero waley…may tinggal pa nga…,” pahayag sa Facebook PM ni Noot-Magsumbol. “Besides..ok na rn yung ginawa ni Marella..nkaiwas sya sa usapan na may favoritism.”

Matagal ko ng tsokaran at nakasama sa maraming coverages gaya ng Palarong Pambansa, Philippine National Games, Batang Pinoy Philippine National Youth Games Championships, National PRISAA Games, National CHED Games at iba pa si Caecent.

Hinirit pa niyang, “Naku..yang mga atleta tanungin mo…sila maraming masasabi…kaso ewan lng dn..wlang magsasalita…takot matanggal sa team..yung iba nga tanggal na pala na wlang kaalam alam..training pa rn ng training..wala man lng silang courtesy sabihan kng sinuman yan na o wla ka na sa team…nga2x!”

Yun na nga ang ginawa natin nang maaktuhan natin ang ilan kasapi ng team/pool sa isang kompetisyon. Pero mga ayaw ngang magsalita. May ilang nagkuwento, pero ayaw patukoy ng mga pangalan nila.

Gold medalist sa Singapore 2015 Southeast Asian Games individual time trial at Tagaytay City 2016 Tagaytay City World University Cycling Championships bronze winner si Salamat, isang dating tenpin bowler.

Umatras na siya sa Asiad delegation dahil sa naubos na ang leave of absence sa University of the East-Manila bunsod sa maraming nilahukang mga palaro sa abroad sa taong ito sa kagawan ni Coach Ponga na habol naman ang kita at mga allo­wance.

Kung mag-e-Asiad siya, babalik siya sa first year sa kursong dentistry. Kaya umurong muna siya sa Asiad.
Sana lumitaw kana Coach Ponga at ibigay mo ang panig mo!

***

Nais kong i-greet ang ilang kawani ng Prage Management Services, tagalathala ng mga pahayagang Abante at Abante TONITE, na mga nagbi birthday at magbe-birthday na sa buwan ng Hulyo.

Sila ay sina Fergus Josue, Jr. (Hul. 1), Cristeto Cabrera, Jr. (6), Elvira Calumpang-Altez (15), Randy Pregoner (19), Julius Fermia, Sr. (22), Danilo Hernando (25) at Melissa Tenefrancia (25).
Cheers!