Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coach, trainer huhubugin

0 85

PAKAY ng Pilipinas na humubog ng world-class chess trainer at coach kaya magiging punong-abala ito sa FIDE Trainers Online Seminar sa September 25-27 via Zoom platform.

Ang mga batikkan at kilalang trainer sa buong mundo na sina Grandmaster Dejan Bojkov ng Bulgaria at Melikset Khachiyan ng Armenia, International Masters Jesper Hall ng Sweden at Vishal Sarin ng India ang magka-conduct ng three-day webinar kasama ang local mentor na si GM Jayson Gonzales.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tinatayang aabot sa 40 participants mula sa Australia, Fiji, Guam, Japan, India, Indonesia, Laos, Macau, Malaysia, Mongolia, Myanmar, New Zealand, Singapore, Solomon Islands, Taipei, Vietnam at Pilipinas ang makikilahok.

Inorganisa ng Philippine Academy for Chess Excellence ang nasabing event na binasbasan ng Asian Chess Federation, FIDE Trainers Commission at ng National Chess Federation of the Philippines.

“This is a once-in-a-lifetime experience for those aspiring to be world class coaches and trainers,” ani Gonzales. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.