Abante Tonite Interactive

Coal supplier kinasuhan ng theft, pamemeke sa DOJ

238

Kinasuhan ng Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang isang supplier ng coal at mineral dahil sa falsification of public document at sa umano’y kaduda-dudang mga produkto nito na isinu-supply sa malalaking food company sa bansa.

Hiniling ng NBI na tanggalan ng lisensya ang Minerales Tinta Resources Corp. na nagsusuplay umano ng illegal coal sa Best Tiwi Food Products na gumagawa ng mga nut at cracker, Zest-O Corp, Syscore at Best Tiwi.

Kinilala ni Supervising Agent Mark Santiago ng NBI-Special Action Unit ang mga may-ari ng Minerales na sina William Di, Alexander Di, Margaret Di Go, Rosalita Aguilar at Antonio Remolisan na tumatayong incorporator at mga board of director.

Ayon sa NBI, nag-deliver ang Minerales ng 431 toneladang coal at mineral sa Best Tiwi Food Products na walang malinaw na report kung saan nanggaling.
Kasong theft at falsification ang sinampa ng NBI sa DOJ at sa Caloocan City Pro­secutors Office.

Natuklasan din na peke ang business address na nirehistro sa Securities and Exchange Commission. (Nancy Carvajal)