Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coast Guard alerto sa Semana Santa

0 300

Nagdeklara ang Philippine Coast Guard (PCG) ng heightened alert sa lahat ng district, station, at sub-stations nito para matiyak na hindi lalabag sa minimum health protocol ang mga dadagsa na pasahero pauwi sa probinsya sa Marso 28 hanggang April 3 at sa summer vacation period.

Sinabi ni PCG commandant Admiral George Ursabia Jr. na ipinagutos na niya ang deployment ng maraming K9 unit, medical team, at response group sa mga major seaport sa bansa.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Ursabia na mahigpit ang gagawin nilang harbor patrolling at magtatalaga ng mga vessel inspector. Sisiguruhin din na sapat ang lifeguard, rescue equipment, at first aid facility.

Aniya, hindi pa pinapayagan ang tourism travel sa labas ng `NCR Plus Bubble’ sa Semana Santa subalit kanilang pinaghahandaan ang inaasahang pagdagsa ng mga lokal na turista pagkatapos ng dalawang linggong border control sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.