Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coast Guard officer lumutang sa Port Area

0 177

Patay na nang marekober ang katawan ng Philippine Coast Guard (PCG) officer na nadiskubreng palutang-lutang sa Manila Bay malapit sa Pier 13 ng Port Area nitong Huwebes.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Coast Guard Surface Support Force Investigation Team at Manila Police District (MPD) Homicide Section, kinilala ang nasawi na si Petty Officer Second Class Richard Gonzales, 38, na naka-assign sa BRP Corregidor (AE-891).

Alas-6:02 umaga nang matuklasan ng mga kasamahang crew ang nakalutang ang bangkay ng biktima sa rear right portion ng barko na nakadaong sa nasabing pantalan.

Nagpositibo umano sa COVID-19 tauhan ng PCG, pero gumaling naito noon pang Agosto 23, batay sa pinakahuli nitong RT-PCR test.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa inspeksiyon, walang nakitang forcible entry sa cabin ng biktima at intact din ang lahat ng gamit niya. Nabatid na dumadaan sa pinansyal at personal na problema si Gonzales bago ito nasawi.

“Possible marital discord between the victim and his common-law wife is being looked upon,” ayon sa PCG.

Dahil sa kanyang COVID-19 history, hindi pa naisasagawa ang awtopsiya kay Gonzales, pero naipadala na umano ng PCG ang resulta ng test sa kanya para maisagawa ang request ng pamilya ni Gonzales para sa awtopsy.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.