Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coco 50% kinaltas sa TF

0 199

Binuking ni Ara Mina na fifty percent ang nabawas umano sa talent fee ni Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Sey niya sa panayam ng push.com, nagbawas din daw ang aktres ng 25% sa TF niya. Kailangan daw gawin ‘yun at magsakripisyo sa panahong ito. Ang mahalaga ay merong trabaho.

Matatandaan na pumayag ang mga Kapamilya stars na magpakaltas ng TF bilang pagsuporta sa situwasyon ngayon ng ABS-CBN 2. Bukod dito, nakikipaglaban pa rin tayo sa COVID crisis.

Samantala, binalita rin niya na balik-taping na sila ngayong September.

Mas lalalim umano ang character niya dahil magkakaroon daw ng love triangle. Bagamat asawa niya si Judge Arturo Padula (Tirso Cruz III) mauugnay raw siya sa pekeng presidente .

Pak!

@@

Paolo, Yasmien, Andrea sasabak na sa taping

Sumabak na sa taping ang cast ng ‘I Can See You: The Promise’ na pagbibidahan nina Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Andrea Torres, at Benjamin Alves.

Sa behind-the-scenes photos ng serye ay mapapansin na sa isang lake house na may magandang tanawin. Makikita rin sa mga ito na mabusising pinaghahandaan at maingat na sinusunod ng team ang taping guidelines at new normal workflow sa pagbuo ng exciting sequences.

Nauna nang inanunsyo ang ‘I Can See You: Love on the Balcony’ na pagbibidahan naman nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Pancho Magno. Samantala, ‘High Rise Lovers’ at ‘Truly, Madly, Deadly’ naman ang pamagat ng ilan pang mga kwentong itatanghal bawat linggo sa naturang series.

Sa unang balita ng Tonite, gagawa rin sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ng episode sa mini-series na ito.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.