Abante Tonite Interactive

Coco to AJ: ‘Ayos Paps nakakatuwa’

By
1,703

SINA Coco Martin at Arron Villaflor ang ilan sa mga natuwa sa pagkikita nina Aljur Abrenica at Robin Padilla.

May photo na nasa IG Account ni @ajabrenica na magkatabi ang ina ni Robin at ang Mommy ni Aljur sa larawan na karga-karga nito si Alas. Samantalang magkakatabi naman sina Robin, Mariel, Kylie at Aljur.

Dahil dito nagbigay ng suporta sina Arron at Coco.

@aaronvillaflor05, “wohOooooo @ajabrenica”.

@mr.cocomartin, “Ayos Paps nakakatuwa”.

Nagpahayag rin ng kasiyahan ang mga followings at fans ni Aljur sa reconciliation na ito.  Ang ilan ay naiyak sa tuwa.

Lovi move on na sa awayang Heart-Marian

HINDI matapos-tapos na isyu sa pagitan nina Heart Evangelista at Marian Rivera. Pero ayon kay Lovi Poe, dapat raw ay kalimutan na ang nakaraan lalo’t may kanya-kanya ng buhay.

Sina Heart at Lovi ay matalik na magkaibigan. Nagkaroon pa ng isyu noon na nadamay si Lovi sa away ng dalawa.

Sey ni Lovi “I think we’re  all grown ups now.  I think it’s time to move on from past.”

Ayaw ring pag-usapan ni Lovi sa presscon ng “The Significant Other” nang may magtanong kung ano ang magiging reaksyon niya kung sakaling mag-krus ang landas nila ni Marian.

Samantala, kamakailan ay may pinatatamaan din si Heart sa post niyang

 ilang taon na ang nakakaraan na hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang patahimikin ng kung sinuman.

Walang binanggit si Heart pero hinuhulaan ng mga nakakabasa na ang tinutukoy niya ay ang naging controversy nila ni Marian habang nagsu-shooting noon ng pelikulang “Temptation Island”.

Kris, nilait

PININTASAN si Kris Bernal at muling inakusahang anorexia sa pinaka-latest na bikini shot sa Iceland. May nagsabi na magpataba ito.

Pati ang boobs ng aktres ay napuna ng netizen.

@rainebaretto_fanaccount, “ang laki po ng boobs nyo”.

Sa larawan makikitang impis ang tiyan ni Kris. Parang pat-pat rin sa kapayatan ang kanyang braso at binti. Labas ang mga buto ng aktres sa balikat at legs.  Parang wala na ring laman ang pisngi nito.

Hindi kasi maganda ang pagkakaka-angulo ng shot  kay Kris kaya lalong nalantad ang kanyang kapayatan.

Sa mga naunang mga posts ni Kris, may lara­wan ito sa harap nang maraming pagkain. Ayon sa kanya malakas syang kumain pero hindi siya tumataba.

Anyway, happy ang lovelife ngayon ni Kris sa isang non-showbiz guy.  Late last year nang aminin ng aktres na meron siyang dini-date na isang businessman.

Rhian, muntik masilipan ng flower

HABANG tumatagal lalong bumabangis sa pagpapa-sexy si Rhian Ramos. Parang wala itong pakundangan kung may babakat  sa kanya.

Nakaka-OMG ang bago niyang sexy photo.

Muntik sumungaw na ang bulaklak ng aktres at masilipan sa kitid ng cut ng suot nyang bikini. Super skimpy talaga .

Hindi alintana ni Rhian kung may mag-hello sa kanyang flower basta kuntodo emote lang siya sa pagkakakapit  sa poste.

Manginginig ang laman  ng sinumang makakakita ng daring photo  ni Rhian dahil sa kitid ng front cut ng suot niyang bikini.

Gabbi naungusan ang mga Kapuso young actress

PUMUNTOS ang Kapuso young actress na si Gabbi Garcia sa kanyang mga kasabayan sa GMA network dahil isa siya sa napili ng isang international cosmetic line para sa make-up event sa Tokyo.

Naka-post sa Instagram account ni Vicki Belo ang larawan ng young actress kasama ang isang global-foreign model.

Sa caption binabati ni Vicki si Gabbi sa kanyang achievement na natata­ngi sa generation nito.

Maliban kay Gabbi napili rin ang Kapamil­ya teen star na si Alexa Ilacad para sa naturang event.