Abante Tonite Interactive

Coco-Angelica bagong tandem

557

Sisimulan ni Direk Mae Cuz-Alviar ang kanyang follow-up movie sa Star Cinema. Ito ang pang-Valentine presentation ng kompanya na pinamagatang “Love or Money” na tatampukan nina Coco Martin at Angelica Panganiban.

Nagkaroon na ng story conference at sisimulan ang shooting pagkatapos ni Coco sa kanyang mga promo para sa kanyang Metro Manila Film Festival movie na “3pol Trobol: Huli Ka Balbon”.

Sa kabila ng pagiging busy ni Coco sa kanyang long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang actor-director ay naisisingit pa rin nito ang paggawa ng pelikula.

Julia hiling sa ‘Ang Probinsyano’

Marami ang umaasa na sana’y i-guest ni Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ang matagal nang napapabalita niyang girlfriend na si Julia Montes.

Mahigit isang taon na ring hindi napapanood sa telebisyon ang aktres. Huling napanood siya sa “Asintado” na nagtapos sa ere nu’ng October 2018 pa.

Matagal-tagal na ring panahong hindi nagsasama sa isang TV or movie project sina Coco at Julia.

Still on “FPJ’s Ang Probinsyano,” mas malalaking eksena ang matutunghayan sa programa kapag nagsimula na silang mag-shoot sa ibang bansa. Papasok ang ilang foreign actors sa serye in 2020.

Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay papunta na sa kanyang ikalimang taon.

Dream house pinatayo ni Camille

Ang mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao ay nagpapatayo na ng kanilang dream house sa isang exclusive subdivision dahil lumalaki na ang kanilang pamilya.

Ang mag-asawa ay may tig-iisang anak na parehong lalaki sa kanilang previous relationship. May dalawang anak na rin sila ngayon, sina Nala (2) at si Nolan na isinilang nu’ng nakaraang July 10.