Abante Tonite Interactive

Coco-Angelica tigil pelikula sa nCoV

786

Maraming apektado sa banta ng 2019 novel coronavirus (nCoV). Ang ilang mga lugar na nasa ilalim ng obserbasyon sa nCoV ay napilitang suspindehin ang klase.

Maging ang industriya ng showbiz ay apektado na rin.

Ang upcoming movie nga nina Angelica Panganiban at Coco Martin ay ipinagpaliban muna. Ito’y pinamagatang “Love or Money.”

Nakatakda sanang pumunta sa Dubai ang crew at staff ng pelikula para sa shooting pero kinansela muna ito ng Star Cinema.

Sey nga nila, “prevention is better than cure”, mas maigi nang mag-ingat ang mga bumubuo ng pelikula lalo na’t ang banta ng nCoV ay naka-alert hindi lang sa ‘Pinas kundi maging sa ibang bansa. (Rona Ronda)