Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coco ayaw sulutin ng Singko

0 1,090

Humarap sa virtual mediacon ang TV5 President and CEO na si Robert Galang at ang head of programming na si Perci Intalan.

Sa Q & A buong ningning na sinabi ni Sir Robert na open na open ang mga Kapamilya artist na gustong magtrabaho sa kanila.

Pero nilinaw ni Sir Perci na ang focus ng TV5 ngayon ay hindi sa pagkuha ng artista kundi sa magandang programa na ihahain ng producer. Budget na lang ang pag-uusapan nila sa nasabing proyekto. Kumbaga, ang produ na rin ang makikipag-usap sa kukunin nilang cast.

Nilinaw rin nila na welcome pa rin si Kris Aquino sa Singko kahit naudlot sa August 15 ang premiere telecast ng kanyang show.

Hihintayin daw nila si Kris pag handa na ang show niya.

Ang timeslot ng show ni Tetay ay pansamantala muna papalitan ng programa na galing sa Cignal o kaya’y sa Sari-Sari channel.

Kahit si Sharon Cuneta ay welcome pa rin sa TV5 kung gusto niyang bumalik at may pagkakataon. Ayaw na nilang pag-usapan pa ang ‘isyu’ sa kontrata nito bago umalis sa naturang istasyon.

Hindi rin daw nila kinuha si Coco Martin at ‘Ang Probinsiyano’ na umere sa Singko. Ayaw raw nila magkaroon ng isyung sulutan lalo’t umeere pa ito sa Kapamilya channel. Respeto na lang daw .

Wala rin daw silang alok kay Vice Ganda.
Kung sakaling ilagay naman ng Dos ang iba nilang programa sa Singko bilang blocktimer, mahabang proseso raw ito at pag-uusap.
Anyway, mas lalong lalakas ang TV 5 dahil ka-partner nito Cignal TV.

Ang NBA that ay available live sa Cignal TV as well as TV5 and One Sports. “The NBA coming to Cignal TV and TV5 only strengthens our position of bringing the best sports to our Filipino viewers throughout the country,” pahayag ni Galang .

Ngayong Agosto magsisimula na rin ang kanilang morning show called Chika, BESH! (Basta Everyday Super Happy) with Pokwang, Pauleen Luna, at Ria Atayde.

Meron din silang fitness-centric show na ‘Fit for Life.’ Tatampukan ito ni Jessy Mendiola.

Sisimulan din ang talk show na ‘Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdez.’

Aarangkada na rin ang dalawang game shows . Una ay ang pagsasamahan nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros na
‘Bawal na Game Show’.
Nandiyan din sina Jose Manalo at Pokwang para sa ‘Fill in the Bank.’

Babalik din ang ‘Bangon Talentadong Pinoy’ ni Ryan Agoncillo. Ang magiging talent scouts ay sina John Arcilla, Janice de Belen at Joross Gamboa sa pilot episode.

“Our commitment is to celebrate the lives of today’s Filipinos by providing informative as well as inspiring and uplifting entertainment content, and hopefully, in so doing, we are able to make lives, a little better, a little safer, and a little easier in these changing times,” deklara ni Sir Robert.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.