Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coco bet si Lovi sa ‘Ang Probinsyano’

0 84

Sa mismong welcome presscon ni Lovi Poe, pinapatanong daw ni Coco Martin kung kailan ang libreng schedule nito.

Very vocal kasi si Lovi na isa si Coco sa bet niyang makatrabaho sa Kapamilya network. Mukhang bet ng aktor na isama sa ‘Ang Probinsyano’ si Lovi.

Bongga rin kung mag-guest ang aktres sa nasabing serye dahil tatak ng erpat niya ang FPJ’s Ang Probinsyano. Bagay talaga siya sa nasabing show.

Anyway, nakauwi na si Lovi sa bago niyang tahanan matapos pumirma ng kontrata . Tinagurian siya ngayon na “Precious Jewel” ng ABS-CBN .
Enggrande ang pa-red carpet welcome sa kanya sa mismong ABS-CBN compound. Sinalubong siya nina ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN group CFO Rick Tan, at Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal. Dumalo rin sa contract signing ceremony ni Lovi ang talent manager niyang si Leo Dominguez.

Nakatakdang gawin ni Lovi ang unang Kapamilya drama series niya kasama ang natatanging ultimate heartthrob na si Piolo Pascual. Ito ay matapos bumida ni Lovi sa unang ABS-CBN project niya, ang 2020 iWantTFC original movie na “Malaya” na nagbigay sa kanya ng Gawad Urian Best Actress nomination.

Subok na ang pambihirang ganda at talento ni Lovi sa iba’t ibang projects, mapa-pelikula o telebisyon man, hanggang sa modeling at pagiging recording artist niya. Kaya naman masasaksihan ang iba’t ibang talento ng aktres sa ABS-CBN na gumagawa ng mga palabas, pelikula, musika, digital show, at concert sa TV at sa digital.

Sa 15 taon niya sa industriya, nagwagi na si Lovi ng Best Actress trophies mula sa FAMAS Awards at Cinemalaya Independent Film Festival. Maituturing ding fashion at style icon si Lovi dahil sa pagiging suki niya sa maraming magazine covers sa loob at labas ng bansa. Isa rin siya sa pinaka-pinagkakatiwalaang brand endorsers sa bansa na may higit sa 11 milyong followers sa personal social media pages niya.

Sa pagtuloy niya bilang isang Kapamilya sa bagong kabanata ng kanyang career, mas marami ring international projects ang gagawin ni Lovi.

Ngayong taon, inilunsad ni Lovi ang recording career niya sa US at naglabas ng mga awiting “Candy,” “Lost,” at “Under” sa ilalim ng VIM Entertainment sa Los Angeles. Malapit na rin niyang i-release ang EP niya sa tulong ng American producers na sina Bob Robinson, KrisKeyz, at Grammy winner na si Omen.

Bibida rin si Lovi sa unang Hollywood movie niya kasama ang British stars na sina Alex Pettyfer at Poppy Delevingne, ang “The Chelsea Cowboy,” kung saan gaganap siya bilang ang English singer at icon na si Dana Gillespie.

Rhian may trauma sa marriage proposal

Riot sa katatawanan at kilig ang bagong episode ng ‘Dear Uge’ — ang Deadz Ako Sa ‘Yo — na mapapanood ngayong Linggo, September 19.

Tampok dito sina Rhian Ramos bilang Aloha at Paolo Contis bilang Tats. Kasama rin ang host na si Eugene Domingo bilang si Mary Juana Habpan.

May trauma sa marriage proposals si Aloha dahil tatlo sa kanyang boyfriends ay namatay matapos na alukin siyang magpakasal. Paniniwala niya, sumpa ang marriage proposals kaya naman nagbago ang pananaw niya sa pakikipag-relasyon.

Mas pipiliin niya ang mga lalaking hindi naniniwala sa kasal gaya na lang ng tattooed rocker na si Tats. Ang tingin kasi ni Aloha kay Tats, iresponsable at walang planong magpakasal.

Pero paano na lang kung lumuhod na ito sa kanyang harap habang may hawak na singsing?

Leave A Reply

Your email address will not be published.