Abante Tonite Interactive

Coco inilihim ang bagong babae

By
3,507

Bagama’t tuloy na tuloy na ang pagsasama nina Coco Martin at Vic Sotto sa pelikulang ‘Popoy En Jack The Police Credibles,’ hindi pa matukoy kung sino ang kanilang mga leading lady.

Ayon kay Coco, nililigawan pa niya ang magiging bagong babae niya pero hindi pa final. Secret muna at hindi pa puwedeng sabihin kung sino ang tinatarget nila.

Konsepto ni Coco ang movie nila ni Vic at siya rin ang magdidirek. Pero nagtulong daw sila kung paano palawigin ang pagpapatawa at bigat ng aksyon sa nasabing movie.

Sinabi rin ng aktor na naiintindihan ni Vice ang pagsasama nila ni Vic. Noon pa ay alam ni Vice na gusto ni Coco na maka-work ang host ng ‘Eat Bulaga’. Talbog!
***

Clique V at Belladonnas natulala kay Ronnie

Hangang-hanga si direk Neal Buboy Tan sa Clique V members na sina Rocky Rivero at Clay Kong at ang front runner ng Belladonnas na si Quinn Cari­llo dahil parang hindi baguhang artista pag umarte.

Bida sila sa isang advocacy movie tungkol sa droga na may tentative title na ‘Co-Dep’.

Kabado sila sa umpisa pero mala­king tulong ang ginawa nilang workshop kaya naibibigay nila ang acting na gusto ni direk Neal.

Bukod dito, inaalalayan din sila ng mga magagaling na artista gaya nina Ronnie Laza­ro, Rosanna Roces at Ana Capri.

Nalula sila at natulala habang kaeksena si Ronnie. Pero hindi hinayaan ng batikang aktor na lamunin ang tatlong bida sa akti­ngan.

“Medyo nakaka-intimidate po dahil sobrang galing niya. Pero mabait siya, hindi maramot at mapagbigay sa eksena. Very accommodating po siya,” lahad pa nina Rocky, Clay at Quinn.

Anyway, may special role din ang ilan pang Belladonnas at Clique V members tulad nina Karl, Rocky, Bench, Tim, Chloe at Rie. Ito ay prodyus ng 3:16 Productions ni Ms. Len Cari­llo. Balak niyang iikot ang showing nito sa iba’t ibang eskuwelahan.
***

Catherine type maging Victoria’s Secret model

Kakaiba ang karisma ni Cathe­rine Simangan. Second runner up siya sa Ms. Sexy body at Sta. Lucia Mall.

Si Catherine ay 21 years old. May sukat na 33-23-36. Nag-aaral siya sa University of Rizal System, Binangonan. Pangarap niyang maging Victoria Secret Model.

Si Liza Soberano ang paborito niyang artista.
***

Ngayong gabi, June 30, 9:30 PM ang THE SHOWDOWN (The Search for the Best Group Performer of the Year 2018). Gaganapin ito sa White Bird Entertainment Bar, Roxas Blvd. malapit sa Baclaran. Para sa ibang detalye tumawag sa 851-2088-89, 09279074623.