Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coco inintriga sa bote ng dede

0 245

NI: VINIA VIVAR

Naglalabo-labo sa social media ang mga netizen dahil sa isang larawan ni Coco Martin na na-post sa isa sa kanyang mga fan accounts sa Instagram.

Sa larawan ay makikita si Coco sa kusina at nasa harap ng bagong katay na baboy. Isang netizen ang nakapansin na may feeding bottle sa likod ng aktor at nirepost nito ang larawan.

Actually, blurred ang background ni Coco kaya hindi namin masigurado kung feeding bottle ba ‘yun, although malinaw mo namang makikita na bote ito.

Caption ng netizen, “ay sorry matang lawin ko lumabas… yan tuloy nakita ko feeding bottle ni baby…. waaaaaa.. Hindi ko na habaan caption ko.! basta yan na yan.!! 😂😂😂✌️✌️Merry christmas haters.”

Of course, big deal ito sa mga fan and netizen dahil nga hanggang ngayon ay hindi mamatay-matay ang tsismis na may baby na sina Coco at rumored girlfriend, Julia Montes. So, ang speculation siyempre ay sa baby nila ang feeding bottle.

Needless to say, sa comment section ay naglabo-labo ang fans at pinagpistahan talaga nila ang larawan. May umayon na feeding bottle nga ito at may nagsabi namang lagayan lang ito ng asin.

Dahil nga may hindi naniniwalang feeding bottle ang blurred photo sa likod ni Coco, ang isang netizen ay nag-search pa sa net kung ano ang brand na kapareho ng nasa larawan.

May nagsabi ring baka naman sa pamangkin ni Coco ang feeding bottle pero may sumagot na wala na raw baby na pamangkin ang aktor at lahat ay malalaki na.

Anyway, masaya naman ang mga CocoJules fans since siyempre, ang gusto nila ay magkatuluyan talaga ang kanilang mga idolo.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita sina Coco at Julia tungkol sa “baby” issue kaya naman hindi mamatay-matay ang tsismis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.