Abante Tonite Interactive

Coco-Julia ‘di pa rin umaamin sa anak

1,285

Nung nakaraang March 19 ay ika-25th birthday ng Kapamilya star na si Julia Montes. Tila imposibleng hindi siya binati ng kanyang long-time rumored boyfriend na si Coco Martin.

Pinaniniwalaang nu’ng 2012 pa nagsimula ang love affair nina Coco at Julia . Nag-start umano sa set ng kanilang defunct primetime hit TV series na “Walang Hanggan”.

Sa kabila na hindi sila magkasama sa isang proyekto ay naging persistent pa rin ang pagkaka-link nila sa isa’t iba .Bagay na hindi naman kinu-confirm o dini-deny ng dalawa.

Last year ay napabalitang nagsilang umano ng baby si Julia sa Cardinal Santos Medical Center sa Greenhills, San Juan pero wala ring kumpirmasyon na nakuha sa magkabilang kampo. Pawang galing sa source ang isyu.

Up to this day ay tikom pa rin ang bibig pareho nina Coco at Julia hinggil sa sa estado ng kanilang totoong relasyon.

Maging ang kanilang rumored baby ay di pa rin lumalabas.

Hanggang ngayon ay nananatili pa rin sikreto .Panahon lamang ang makakapagsabi kung kailan ito tuluyang mabubunyag o aaminin ng dalawa.

Kapag naibalik na sa normal ang pamumuhay ng lahat, muling mapapanood sina Coco at Julia sa kanilang magkahiwalay na serye.

Si Coco sa longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” habang si Julia naman sa kanayang weekend TV series na “24/7”.

Pinaghahandaan na rin ni Julia ang kanyang regular TV series na pinamagatang “Burado” na kabituin sina Nadine Lustre, Zanjoe Marunod, Paulo Avelino at ang Thai actor na si Denkhun Ngamnet.

Rhian independent sa New York

Mahigit isang taon na rin ang relasyon ni Rhian Ramos sa kanyang Israeli businessman boyfriend na si Amit Borsok. Naging nobyo niya ito bago pa man siya lumipad patungong New York para mag-aral ng six-month short course in acting.

Opisyal na naging magkasintahan sina Rhian at Amit nung January 30, 2019.

Samantala, hindi ikinakaila ni Rhian na malaking bagay umano para sa kanya ang kanyang six months stay sa Big Apple.Natutunan niyang maging independent without to rely on anyone.

Bianca muntik mamatay sa panganganak

Hindi ikinakaila ng ex-wife ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus na nalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay nila ng kanyang bunsong anak (sa kanyang long-time partner na si Jimmy Lawrence Velasquez) na si Ethan sa pagkakaroon niya ng eclampsia.

Isinilang ni Bianca nang wala pa sa hustong buwan (premature) si Ethan.Namalagi ito sa loob ng neonatal intensive care unit ng UERM Medical Center sa loob ng 20 days.

Si Ethan ay pang-apat sa mga anak ni Bianca na kinu-consider niyang `miracle baby’.

Ang panganay na anak ni Biana na si Isaiah (Yce) ay anak niya sa kanyang ex-husband na si Vhong Navarro.

Ngayong malaki na si Yce ay lumipat na ito sa pangangalaga ng kanyang ama at step-mother na si Tanya Winona Bautista.