Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coco, Julia, KathNiel doble kilig sa hawak-kamay

0 204

Spotted ang napapabalitang magkarelasyon na sina Coco Martin at Julia Montes. Magka-holding hands sa “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa ABS-CBN Christmas Special” na ginanap last Saturday, Dec. 18.

Sa isang TikTok video na ipinost ng isang netizen na may user name na “kristofervengco,” makikitang naglalakad ang mga Kapamilya Stars.

Nahagip ng camera sina Coco and Julia na buong ningning na magka-holding hands na nag-uusap habang naglalakad. Napakaganda ng aktres sa kanyang white gown habang ang rumored boyfriend naman ay ang guwapo rin sa suot na white jacket and black pants.

Kasunod nina Julia at Coco ay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na magka-holding hands din.

Kaya naman doble-kilig ang mga fan ng dalawang loveteam. Pero mas maraming kinilig sa CocoJuls since hindi pa naman umaamin ang dalawa hinggi sa rumored relationship nila

“Huli cardo at mara,” sey ng isang netizen.

Reaksyon naman ng isa, “napatili aq hahaha.”

Sagot ng isang fan, “hala same! Kinilig ako.”

Sabi naman ng isa, “hindi ka nag iisa sis…inulit ko pa tiningnan pano ung hawak.”

Komento pa ng isa, “that holding hands from CocoJul and KathNiel. Sana all.”

Sey naman ng isa pang fan, “hehehe si coco at Julia halata na talaga love u both mghihintay nalang kmi na kau mismo mgsabi.”

Anyway, makikita rin sa video ang magka-loveteam na sina Seth Fedelin and Andrea Brillantes na magkasunod (take note, hindi magkasabay) na naglalakad, Paulo Avelino na walang partner, Sharon Cuneta at Gary Valenciano.

Ai-Ai type palayasin ang asawa

“Minsan, masarap din na magpalayas ng asawa, eh, no?” bungad ni Ai -Ai delas Alas sa kanyang video na ipinost sa Instagram kahapon.

Paliwanag ni Ai-Ai negative 1 daw ang temperature sa US .Kasalukuyang naroroon sila ng kanyang mister na si Gerald Sibayan, pero naka-electric fan pa raw ang asawa at hindi giniginaw.

“Etong lolong asawa ko, tingnan mo, naka-electric fan pa ang pohtah. At nasa (number) 2 ha, nasa 2 ang electric fan,” natatawang sabi ni Ai-Ai habang ipinapakita si Gerald na nahahanginan ng electric fan.

Sumagot naman si Gerald ng “kanya-kanyang trip yan!”

Patuloy ni Ai-Ai, “sabi ko, ‘du’n ka na lang sa labas kung gusto mong malamig, lintek ka.’”

Kantyaw naman ni Gerald sa asawa, nakatodo raw ang heater nito at dala-dalawa pa.

Sey ni Ai-Ai, “ako nga, may heater nga ako, eh. Dalawa nga ‘yung heater ko, eh, may malaki saka may maliit. Siya talaga, naka-electric fan! Sarap sampalin nito!”

Hirit ni Gerald, “du’n ka na nga, magTik-Tok ka na lang!”

Sagot naman ni Ai-Ai, “du’n ka na nga sa labas, sa labas ka na lang tumira!”

Nagtatawanan naman ang mag-asawa habang nagsasagutan kaya alam mong nag-aasaran lang sila at hindi naman nag-aaway.

Matatandaang lumipad sila patungong North Virginia nitong first week of December. Ipinost pa ni Ai-Ai ang pag-alis nila na may caption na “yes NORTH VIRGINIA HERE WE COME .. OUR JOURNEY BEGINS HERE .. thank you dear LORD and mother MARY .. we landed safely .. love you my darling this is it start na ng buhay naten together @gerald_sibayan.”

May nagtanong kung for good na ba sila sa US at sinagot naman ito ni Ai Ai na bakasyon lang daw ang kanilang pagpunta roon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.