Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coco, Julia nagpakilig sa bubong

0 54

Rooftop lovers ang tawag ng mga CocoJuls fans kina Coco Martin at Julia Montes na kasalukuyang nasa Pola, Oriental Mindoro ngayon para sa shooting ng kanilang reunion movie.

Sa Instagram page ng fan account na cocojuls4ever ay sunod-sunod ang pagbabahagi ng fans ng mga behind the scene sa shooting na talaga namang kinakiligan ng mga tagahanga.

Isa nga sa mga BTS ay ang mga larawan nina Coco at Julia habang magkatabi ang mga silya na nakaupo sa rooftop na tila nagre-relax at nagkukuwentuhan.

โ€œThe Rooftop Lovers๐Ÿ’›๐Ÿ’™ Ang Bagong K-Drama,โ€ caption ng fan account.

Sa isang caption naman ay nakasaad na โ€œakalain mo yun, nakaabot na sa “bubong”. Char! Ingat sa pagbaba.โ€

Needless to say, halos mahimatay sa tuwa ang CocoJuls fans. Na kahit magkatabi lang ang kanilang idolo at wala namang PDA (public display of affection) na nagaganap ay sapat na โ€˜yun para kiligin na sila nang bonggang bongga.

โ€œWaaah mula dalampasigan hanggang bubong ng bahay ๐Ÿ˜‚๐Ÿ‘ nakakainis grabe sila magpakilig at magpainggit ๐Ÿ˜๐Ÿ˜‚ more more more,โ€ komento ng isang fan.

โ€œGrabe na kayo cocojuls nasa bubong nman how sweet tlaga kayo,โ€ reaksyon naman ng isa pa.

Isa pang labis na ikinakilig ng fans ay ang kuha na inaabutan ng panyo or face towel ni Julia si Coco at ipinunas naman ito ng aktor sa kanyang mukha.

โ€œPaano ba mag-alaga ang isang Julia Montes without having a matinding public display of affection?” ang caption ng short video.

SM SuperKidsDay Banner Ad

โ€œKaya pa ba mga puso natin #cocojul,โ€ komento ng isang fan.

As we all know ay matagal nang nali-link sina Julia at Coco at hanggang ngayon ay wala pang official na pag-amin ang dalawa though sa huling panayam ng aktres kay G3 San Diego ay inamin naman niyang in-love siya pero hindi na niya sinabi kung kanino.

Wala pa 24 oras: Kim,Xian 5.3M ang views

Hindi lang sa Instagram humahataw ng views and followers si Kim Chiu kungdi maging sa TikTok. Sa ngayon ay mayroon nang 4.4 million followers ang aktres sa nasabing video-sharing social networking site.

Ang tataas din ng views ng mga videos ni Kim sa TikTok at ang latest hit video nga niya ay ang recent post niya kung saan ay nagsasayaw sila ng boyfriend na si Xian Lim.

Ipinost ni Kim ang video last Saturday at sa caption ay binabati niya si Xian na kapapasok lang sa TikTok at may user name na @awkwardchinito.

โ€œLetโ€™s dance for a newly verified account @awkwardchinito ๐Ÿ‘๐Ÿผ๐Ÿ‘๐Ÿผ๐Ÿ‘๐Ÿผ legit tiktoker kana!๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…๐Ÿ˜… grats! Haha,โ€ caption ni Kim.

Wala pang 24 hours matapos itong i-post ni Kim ay umani na agad ito ng milyon-milyong views at kahapon nga ay nasa 5.3 million views na ito.

Halos iisa ang komento ng mga netizen na talagang perfect couple ang dalawa hanggang sa pagsasayaw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.