Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coco, Julia sabay nagparehistro

0 76

Very open na nga ba sa kanilang relasyon sina Coco Martin at Julia Montes? Bagaman hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin ang dalawa ay lagi naman silang magkasama.

Nito lang Miyerkules ay magkasabay na nagparehistro sila para makaboto sa darating na halalan.

Sa Instagram ni Julia, isang video ang ipinost niya .

Makikita ang ilang retrato na kuha habang nagpaparehistro sila ng aktor sa isang sikat na mall.

“Somewhere inside of all of us is the power to change the world – Roald Dahl”, ani Julia sa kanyang post.

Gamit ang mga hashtag na #BotoPilipinas at #MagparehistroKa, hinikayat din ng aktres ang kanilang mga tagahanga na magparehistro na upang makaboto sa halalan 2022.

Singer gurang ang ka-live in

Marami ang nabibighani sa boses ng sumisikat na singer na ito. Kahit naba-bash na retokada ay sikat pa rin dahil sa mga trending na videos niya sa social media.

Hindi nakakapagtaka na indemand na siya at pumirma pa nga kontrata sa sikat na music label.

Pero may nagtsika sa amin na matagal na pala itong may ka-live in na mas matanda raw sa kanya. Wala naman problema kung iisipin pero tinatago raw ito ng singer.

Da who?

Leave A Reply

Your email address will not be published.