Abante Tonite Interactive

Coco kalaban ni Alden, kakampi ni Maine

By , , ,
1,905

RODEL FERNANDO: Balitang itatapat daw sa ‘FPJ’s Ang Probin­syano’ ang bagong teleserye ni Alden Richards na ‘Victor Magtanggol’. Siyempre pa, marami ang nagtaasan ng kilay. Kakayanin daw ba ni Victor ang powers ni Cardo?

Marami ang kina­kabahan sa tapatang magaganap dahil ibo-boycott daw ng mga fan ni Maine Mendoza ang solo starrer na ito ni Alden.

Ang sabi, mukhang wala raw proteksiyon sa career ni Alden dahil alam naman ng lahat ang lakas sa manonood ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Kasi naman si Cardo ay parang FPJ na talaga, hindi na karakter ang tingin sa kanya tao na. Nagalit nga ang mga manonood sa scene na namatay si Cardo sa panaginip so paano na? Parang bumangga sa pader ang Victor Magtanggol Rommel Placente?

Pero hindi pa naman po natin alam what will happen. And kung ano po ang mangyayari sa tapa­tan. Baka naman magiging mahigpit ang labanan. Sana maipagtanggol ni Alden ang time slot niya. In fairness ha, mukha namang pinaghandaan ang kanyang serye. Sa nakikita namin sa trailer nito sa TV ay mukhang pinagkagastusan ito at idag­dag pa ang mga biga­ting artista na kasama ni Alde­n sa bagon­g prog­ra­mang ito ng Kapuso Network. Basta ako may bago na akong tututukan ang ‘Onanay ni Nora Aunor. Hahaha

ROMMEL PLACENTE: Oo nga friend, Rodel. Alam nating sikat si Alden, na sigu­radong maraming fan niya ang manonood. Sure na magi­ging mataas din ang rating ng Victor Magtanggol.

Pero ‘di ba naisip ng GMA 7 na mas maraming manonood sa nasabing serye kung isinama rito si Maine Mendoza. Alam naman nating maraming fans ang loveteam nila. Palaging sumusuporta sa kanilang project. together, ‘di ba? Parang mali ang naging desis­yon na ito ng GMA 7 na paghiwalayin pansamantala sa proyekto ang dalawa.

Gaya nga ng sabi mo friend, Rodel, balitang ibo-boycott ng AlDub nation ang Victor Magtanggol dahil nga wala rito si Maine.

Ang sure na manonood lang nito ay ang mga solid fan ni Alden pero sana, huwag nilang boykotin. Ipakita pa rin nila ang pagmamahal nila kay Alden kasi pag mababa ang rating nito, ang apektado rin naman ay ang kanilang idolo, na sasabihin na laos na ito, na libre lang naman ang panonood ng TV ay konti pa ang nanood, ‘di ba?

Pero let’s wait and see muna, kung anong kahihinatnan ng pilot episode ng ‘Victor Magtanggol’ bukas, at sa mga susunod na araw na eere ito. Makaya nga kaya nilang talunin sa rating ang serye ni Coco na ‘FPJ’s Ang Pro­binsyano’, na kahit ma­tagal na sa ere ay patuloy pa ring sinusuportahan ng mga televiewer. Kumbaga, ‘di pa rin sila nagsasawa sa panonood nito dahil sa ganda talaga ng istorya at parang pelikula ang dating.

MILDRED BACUD: Kung papatok sa manonood ang seryeng ito ni Alden Richards ay hindi natin masasabi, kasama man o hindi si Maine Mendoza. Kung matatandaan niyo hindi rin naman sinuportahan ng mga fan ng da­lawa ang ser­yeng ginawa nila, ang ‘Destined To Be Yours’. Mismong head writer nito ang nag-post sa kanyang social media account na kinailangan talagang ipasok si Thea Tolentino sa show para magkaroon ng challenge ang kuwento. First three weeks daw kasi ay sadsad sa ratin­g pero bumawi noong huli.

Sa seryeng ito malalaman kung malakas pa nga ang da­ting ni Alden. Matatag na ang ser­yeng ‘FPJ’s Ang Pro­binsyano’, mahirap nang banggain pero malay natin.

RONALINE AVECILLA: At least dito masusu­bok kung makakaya na ni Alden magsolo dahil hindi naman nag-click nang bongga ang teleserye nila ni Maine. Masyadong mabigat na tinapat nila ang VM sa ‘FPJ’s Ang Probins­yano’.

Bukod sa mga isyu na kinaharap nito ay napakatatag ng ‘Ang Probin­s­yano’. Hindi naman kasi ito ang magiging longest running teleserye kung walang consistent na sumusubaybay dito.

Well, puwede magbago ang ikot, lalo na kung marami namang pasa­bog ang nakahanda sa VM. Pinaggastusan pa naman ito nang bongga, lalo na sa costume ni Alden na milyon ang halaga.

Marami pa rin namang mga supporter si Alden na hindi siya bibitawan hanggang huli. Nakakaloka lang kasi bukod sa itinapat si Alden kay Coco. Pagsasamahin naman si Maine Mendoza at Coco sa pelikula sa darating na MMFF.

Hay naku!