Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coco kasado na sa 2022 Halalan

0 830

Kalat na ang planong pagtakbo si Coco Martin sa darating na 2022 elections. Ito ang naging topic nina Ogie Diaz at partner na si Mama Loi sa kanilang latest vlog sa You Tube.

Ayon kay Ogie, ang hindi lang daw malinaw sa kanya ay kung anong posisyon ang tatakbuhin ni Coco.

“Hindi malinaw sa atin kung Congressman si Coco or Senador, pero feeling ko, national ang target,” ani Ogie.

“Kasi si Lito Lapid, nakasama niya sa Probinsyano di ba? So, siguro, isa sa mga advisers niya si Sen. Lito Lapid na nagtutulak sa kanya. Siguro, ang naging bentahe ni Coco doon eh ‘yung artista siya, kilala siya at tagapagtanggol siya ng mga naaapi,” dagdag pa ng talent manager/TV and radio host/comedian.

Kinumpirma rin ni Ogie na matatapos na ang FPJ’s Ang Probinsyano na anim na taon na rin namang umeere.

“Siguro, kay Coco, gusto rin niyang lumangoy naman sa ibang beach, di ba?” aniya.

If ever daw na tatakbo si Coco ay susuportahan niya ang aktor at iboboto niya.

 

Angel  ‘di pa matanggap ABS-CBN shutdown
 
 
Gumawa ng tula si Angel Locsin bilang pag-alala sa ABS-CBN shutdown noong May 5, 2020.
 
SM food to go Banner Ad
Sa kanyang Instagram page ay nag-post si Angel kahapon ng mga throwback photos noong nakaraang taon nang ihain ng gobyerno sa pamamagitan ng National Telecommunications Commission ang cease and desist order sa Kapamilya network.
 
Sa pamamagitan ng isang tula, ayon sa aktres ay hindi pa rin nawawala ang sakit na idinulot ng pagsasara ng ABS-CBN . Kahit isang taon na ang lumipas.
 
Narito ang kabuuan ng tula ni Angel:
“Isang taon na ang lumipas. Pero ang sakit ay hindi lilipas.Hirap man, pero kailangan pa ring bumangon.
 
“Para sa tao.
 
“Hindi man maintindihan ng iba ang nasa puso, Patuloy pa rin sa pagbangon. Hindi susuko at patuloy na lumalaban.
 
“Dahil para sa tao. Laging para sa tao.”
 

Leave A Reply

Your email address will not be published.