Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coco levy bill umusad sa Senado

0 65

Ipinasa na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang isang panukala para sa pagtatayo ng coco levy trust fund kung saan magbebenepisyo ang may 3.5 milyong magsasaka ng niyog sa bansa.

Sa ilalim ng Senate Bill Nol 1396, ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund ay itatatag gamit ang kita mula sa coco levy assets na tinatayang aabot sa P100 bilyon na nakumpiska ng gobyerno.

Limampung taon ang itinatakdang panahon para sa paggamit ng trust fund. Pangangasiwaan ito alinsunod sa development plan na ihahanda ng Philippine Coconut Authority (PCA) at aprubado ng Pangulo.

Kapag naging batas ito, ililipat ng Bureau of Treasury ang P5 bilyon sa trust fund. Ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na may hawak na coco levy fund at assets ay ililipat sa trust fund sa loob ng limang taon pagkatapos maging epektibo ang panukalang batas. (Dindo Matining)

Muling inihain ang coco levy trust fund bill matapos na i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang panukala hinggil dito noong nakaraang taon dahil sa kakulangan ng mekanismo para sa check and balance na maaaring mauwi sa korapsyon. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.