Abante Tonite Interactive

Coco levy fund niratipikahan na ng Senado

239

Niratipikahan na ng Senado ang huling bersyon ng panukalang Coconut Farmers and Industry Development Act na mangangasiwa sa pagbibigay ng coco levy fund na nakolekta mula sa mga magsasaka noong administrasyong Marcos.

Ayon kay Senadora Cynthia Villar, sa ikalawang bersyon ng coco levy bill, makatatanggap taon-taon ang mga magsasaka ng P5 billion coconut trust fund para sa 25 taon.

Bibigyan-din ng P10 bilyon allocation ang Phi­lippine Coconut Authority (PCA) para gastahin sa mga programang nakasaad sa panukala.

Sa pinagtibay na PCA law, dinagdagan ang miyembro ng PCA board mula 11 sa 15.

Ito ay bubuuin ng walong ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of Agriculture, Department of Finance, Department of Budget and Ma­nagement, National Economic and Development Authority, Department of Trade and Industry, Landbank at Development Bank of the Philippines.

Mayroon ding anim na farmer representative sa PCA board, tig-dalawa mula sa Luzon, Visayas at Mindanao at dalawa rin mula sa pribadong sektor.

Naniniwala si Villar na hindi mavi-veto ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang panibagong coco levy bill.