Abante Tonite Interactive

Coco madaling-araw dinalaw si Eddie

0 657

Walang coverage gaya nina Robin, Bong, Ipe

Sinadya pala ni Coco Martin na mada­ling-araw dalawin si Tito Eddie Garcia sa Makati Medical Center.

Nakausap daw ni Coco ang dalawang anak ng batikang aktor. Knowing Coco, malamang inalam nito kung paano siya makakatulong sa gastos ng dating katrabaho sa “Ang Probinsyano.”

Abante Hiring – IT dep

Unlike Robin Padilla, Phillip Salvador at Senator-elect Bong Go ay walang coverage ang pagdalaw ni Coco kay Manoy. Tahimik lang at walang publicity.

Hanggang ngayon ay humihingi pa rin ng dasal ang pamilya ni Tito Eddie habang patuloy itong nasa coma at hindi pa rin nagkakamalay.

Ayon sa aming source ay mukhang hindi na ooperahan sa leeg ang 90-anyos (may mga nagsasabing 92 ang totoong edad nito) na actor-director.

Ang pamilya pa rin daw ang magdedesisyon kung ano ang mas makabubuting gawin sa sensitibong kalagayan ni Tito Eddie.

Samantala, tila unti-unti nang nagkakalinaw kung talaga bang napatid sa kable ang paa ng aktor kaya ito nawalan ng balanse sa eksena, na naging dahilan kaya napasubsob ang mukha nito sa semento.

Ayon umano sa mga video na pinanood nang slow motion ay hindi ito napatid at nahatak lang ng paa nito ang nasabing kable kaya mukhang sumabit ang paa nito sa wire.

Ganu’n pa man ay mukha rin kasing hindi pantay ‘yung semento, so posible ring na-off balance dito si Tito Eddie kaya siya bumagsak.

Isyu rin ‘yung ginawang pagbuhat sa aktor na dahil walang medic sa set ay hindi ito ginamitan ng stretcher. Posible umano na lalong lumala ang bali nito sa leeg dahil sa hindi tamang pagbuhat dito.

Lahat naman siguro ‘yon, pati nga ‘yung sinasabing mishandled ang aktor sa insidente ay masusing pag-aaralan at gagawan ng karampatang aksyon ng GMA network, na sasagutin din ang lahat ng gastos. (Allan Diones)