Abante Tonite Interactive

Coco, Maine nadiskubreng magkamag-anak

0 489

tonite-imo-vinia-vivarKahapon sa grand presscon ng “Jack Em Poy: The Pulis Credibles” ay nabunyag na magkamag-anak pala sina Maine Mendoza at Coco Martin. Ibinunyag ito ng Dubsmash Queen nang matanong siya kung may possibility ba na ma-in-love sila sa isa’t isa ng kanyang leading man.

“Para po sa impormasyon ninyong lahat, magkamag-anak po kami,” natatawang sabi ni Maine.

Akala nga ng lahat ay nagbibiro siya pero ani Maine, totoo raw talaga.

“Distant relatives po kami. Nalaman lang po namin ‘to. May family reunion kami sa Bulacan, tapos du’n sa pagkalaki-laking family tree, andito ako, andito si Coco,” kuwento pa ni Maine.

Hindi pa raw nagsisimula ang pelikula nang mag-reunion sila at malaman nila na magkamag-anak sila kaya nu’ng nagsimula na sila ay alam na nila.

“Una pa lang, ‘yun na ‘yung naging topic namin, “uy magkamag-anak pala tayo. Even ‘yung family ko, na-meet na rin ni Coco,” she said.

Sey naman ni Coco, siya naman ay nagulat din nang malaman ang katotohanang ito.

“Nu’ng sinabi po sa akin ni Maine ‘yun, tinanong ko po ‘yung lola ko. Sabi ko, “lola, may kamag-anak pa tayo dito sa Bulacan?” ‘Yun, nagkatugma-tugma,” sey ni Coco.

Pero nu’ng na-meet daw niya ang family ni Maine ay nahiya raw siyang mag-approach.

Pero, ani Coco, ay malayong-malayo na raw silang relative ni Maine.

“Sobrang layo na. Siyempre po, pag may reunion, nagkikita-kita po ‘yung mga kamag-anak,” he said.
Kaya naman wala talagang pwedeng i-look forward na romance sa kanila.

 

Kim ‘di kaya ang tatlong tsuktsakan sa buong araw

 

 

Tatlo ang love scenes ni Kim Chiu sa One Great Love sa kanyang dalawang leading man na sina Dennis Trillo at JC de Vera – isa sa kama, isa sa fireplace at isa sa bathtub.

Ayon sa aktres, ni-request naman daw niya kay Direk Eric Quizon na sa iba-ibang araw kunan ang mga eksenang ‘yun pero siyempre, kinakabahan daw siya.

“Hindi ko kaya nang isang buong araw ‘yun, baka pagtingin ko sa salamin, wala na po akong labi,” natatawa niyang sey sa presscon ng One Great Love.

Ano ang ginawa niya to prepare?

“Sinabi naman ni direk (Eric Quizon) kung hanggang saan lang ‘yung shot, saka kung ano ang mangyayari, kasi sabi ko, “ituro n’yo naman po sa akin lahat kasi hindi po ako maru­nong ng natural na maggaganyan.” So itinuro naman lahat. Tapos ‘di ko sila kinakausap lahat,” sabi ni Kim.

Na-flatter naman ang aktres na pinuri-puri siya ni Direk Eric sa entertainment press at nagpahayag na malaki ang laban niya as Best Actress sa Metro Manila Film Festival awards.

“Grabe! Wala pong ganu’n. Ayokong mag-expect. Gusto ko lang mapanood ‘to ng mga tao kasi tinanggap ko ‘tong pelikulang ito kasi gusto ko, iba naman.”

Aniya, to be nominated ay sapat na sa kanya at sobrang saya na niya.

“Dati na-nominate rin ako sa “All You Need is Pag-ibig”, supporting (actress). So, iba pala ‘yung pakiramdam ng ganu’n no? Na ma-nominate ka, na ma-appreciate ka,” sey niya.

Ipapalabas sa Dec. 25 ang One Great Love bilang isa sa Magic 8 entries ng Metro Manila Film Festival handog ng Regal Entertainment.