Abante Tonite Interactive

Coco Martin nababaliw

By
2,226

AMINADO si Coco Martin na hindi na niya alam kung paano tatapusin ang FPJ’s Ang Probinsyano na as we all know ay tumatakbo na ngayon sa pangatlong taon.

“Actually, ‘yun nga ang ano namin, eh. Hindi namin maisip kung paano tatapusin kasi napakarami pang kuwento,” ani Coco sa huling panayam sa kanya sa isang recent event.

“Napakarami pang nangyayari sa ating bansa, sa ating buhay, which is masarap siyang i-tackle­. Masarap siyang ipakita sa pamamagitan ng soap opera,” sey pa ng Primetime King.

After his directoria­l debut na Ang Panday kung saan ay siya rin ang producer at aktor, ang pinagkakaabalahan naman ni Coco ngayon ay ang bago niyang negosyo na mobile game apps.

Siyempre, bukod pa rito ang pagiging aktor niya at pagiging creative consultant sa FPJAP.

Paano ba niya napagsasabay-sabay ang pagiging aktor, direktor, producer at negosyante niya?

“Hindi ko rin alam, minsan nababaliw na ako, eh,” natatawa niyang sagot.

“Hindi, ano lang, sabi ko nga, basta gusto mo ‘yung ginagawa mo, hindi ka mapapagod, eh. Actually, lalo akong nae-excite sa bawat project na ginagawa ko.

“Siyempre, ang dami ko ring natututunan, ang dami ko ring mga taong nakikilala.”

May nilulutong bagong pelikula si Coco at aniya, gagawin niya muna as game app saka niya isasapelikula.

***

Ogie pinaiyak ng anak!

SA nakaraang contract signing ng anak niyang si Leila Alcasid sa Star Music ay naging emosyonal si Ogie Alcasid kaya naman natanong namin siya kahapon tungkol dito at the presscon of #paMORE.

“Eh hindi ko nga rin alam, bigla na lang akong naging emosyonal. I didn’t realize kapag ang anak mo, eh may milestone na sarili. Bumabalik sa isipan mo ‘yung baby pa siya.

“Hindi ko rin inaasahan na magiging ganu’n ako, but ganunpaman, it’s a blessing. Sabi ko nga, it’s her time to shine. Parang nag-full circle. Kasi 30th year ko this year, eh. And it’s her start,” ani Ogie.

Dahil 20 years old pa lang si Leila, marami raw siyang mga fears ngayong talagang full time na nasa showbiz na ito.

Unang-una raw fear niya ay ‘yung maikukumpara raw ito parati sa kanya.

“Of course, that’s unfair, she has her own music. I have faith in her. Ang ganda-ganda ng songs niya at saka ang galing niya sa songs niya.

“I hope ready siya du’n (sa comparison). Siyempre, ayun, may mga bashers na, dadami ‘yun. Pero feeling ko naman na-prepare ko na siya especially spiritually. Panay ang dasal namin. I guess as a parent natural lang ‘yun.

——————-

Megan at Mikael Daez live-in na?

SEVEN years na ang relasyon nina Mikael Daza at Megan Young kaya natatanong sila kung kelan naman ang next level which means ang pagpapakasal lalo pa nga’t ang aktres/beauty queen ang nakasalo sa bouquet sa kasal nina Maxene Magalona at Robby Mananquil.

“For me, everyday naman may level-up naman ‘yan, whether big or small, ‘di ba? You learn something new, you help each other grow everyday so we’re leveling up in different ways, hindi lang ‘yan sa mga things like marriage or things like having children. I mean, there are other ways to level-up our relationship and it’s already happening now,” pahayag ni Megan sa presscon ng The Stepdaughters, ang bagong teleserye na pagsasamahan nila ni Mikael sa GMA-7.

Ngayon daw ay nasa estado na sila na both families nila ay nagigin­g close na nila.

“Like I’m more involved with his family, his brothers and sisters in terms of helping them, guiding them. He’s more involved with my brothers and sisters also.

“So, we’re leveling up because hindi lang kami pa-date-date, hindi lang kami para lang palabas-labas,” she said.

Natanong nga rin namin si Megan kung ano ang opinyon niya sa idea ng living-in since medyo matagal-tagal na nga ang relasyon nila at hindi pa naman sila ready rin na magpakasal.

“I think about it, I don’t think there’s anything wrong with thinking about it. I mean, people do it because it works for them. It happens to people and I respect people’s decision.

“Of course, it’s kind of taboo to our society because they’re saying na you know, kailangang mag-asawa muna, ganyan-ganyan. But ako kasi, whatever works for other people, I respect that. And if it’s their choice, then it’s their choice. Wala naman tayong magagawa du’n, eh,” aniya.

When asked kung sa tingin ba niya ay magwo-work sa kanila ang live-in, ani Megan ay hindi pa siya sure dahil sa ngayon ay nakatira pa sila sa kanya-kanyang bahay at mas nagwo-work ‘yun sa kanila.

“But we’ll never know, I mean, we’re off age naman na, 27 na ako, 30 na si Mikael, so I think if ever it does happen na we eventually do live-in together, we’ve been together for 7 years, we’ve been together for so long, so if it does happen eventually, you know, we’re adults and I think, we can make adults decision. I think if we eventually get into that, we’re not hurting anyone around us,” pahayag ni Megan.

Samantala, first time na magkakasama nina Megan at Mikael sa isang soap opera at anang aktres, matagal na raw nila itong pinangarap at inaasam kaya they’re happy na finally ay natupad na.

Kasama rin sa The Stepdaughters sina Katrina Halili, Gary Estrada, Glydel Mercado, Allan Paule, Angelu de Leon, Sef Cadayona at marami pang iba. The show premieres on Feb. 12 sa GMA Afternoon Prime. (Vinia Vivar)