Abante Tonite Interactive

Coco matambok ang puwet

886

Aliw na aliw kami kay Coco Martin sa 2019 MMFF entry niyang “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon”.

Sobrang benta sa amin nu’ng famous drag character niyang si Paloma na ginamit niya ulit dito, pero mas tinodo at binonggahan pa niya.

Nakakabilib si Coco dahil sa ka-mocho-han niya na ‘yon na astig na action star ay wala siyang keber magbabai-babaihan. Ganu’n siya ka-secure sa pagkalalaki niya.

Sa maaksyong simula ng movie ay ang pogi ni Coco bilang si Apollo Balbon na Criminology student turned personal security ng crime-fighting boss na karakter ni Rowell Santiago.

Ang bagets ng itsura ni Coco at ang fit ng kanyang katawan. Kaya nu’ng mag-disguise na siya bilang Paloma ay ang sexy ng hitad at ang ganda-ganda.

Lakas ng tawanan pag-entra niya na umiiyak-iyak siya sa may puntod at tumitili ng, “I love you, my daddy!!” bilang siya raw ang long lost sister ng karakter ni Jennylyn Mercado na si Trina Guillermo.

Kinarir talaga ang pagka-girl ni Paloma at mala-swimsuit ang mga seksing pa-outfit nito. Pati pagsasalita ni Coco na ipit ang boses ay pinilit niyang maging tunog-girl.

Vavavoom ang hitad na Paloma sa pool scene nila ni Jen na bongga ang kurbada ng katawan nito. At pag-dive nito sa tubig ay ang tambok ng puwet nito! Ha! Ha! Ha!

Magkasamang nag-gym ang mag-sissy na Trina at Paloma, nag-zumba at kung anik-anik pang girly bonding na paiba-iba ang look ng hitad.

‘Kaaliw ‘yung nagbihis ng kamison si Jen na nagtatakip ng harapan niya si Coco dahil baka may biglang tumelag, tapos ay hinalikan nito ang kanyang sissy nang magpaturo ito kung paano mag-kiss.

Ang ganda at ang sexy ni Jen, pero ayaw ding magpakabog ng flamboyant na si Paloma, na pati si Sam Milby at kinalantari nito.

Ang landi ng hitad nang sayawan nito at akit-akitin si Sam sa saliw ng kantang “Ay, Ay, Ay, Pag-ibig” ni Ara Mina.

As in naelya-elya naman ang Sam sa mapanghalinang alindog ni Paloma at naglapit ang mga mukha nila na akala mo’y maghahalikan na talaga.

Bigay na bigay talaga si Coco, in all fairness kaya matutuwa ka sa pagmu-mujer niya.

Kung nagpa-girl si Coco, may eksena ring nagpa-mhin naman si Jen dahil bawal ang lalaking trabahador sa rantso ni Yorme, na ginampanan ni Manila Mayor Isko Moreno in a guest role.

Pogi-pogian si Jen as Eric, na type na type ng hitad na si Kim Molina.

Tamis-tamisan ang moment ng CocoJen sa rantso ni Yorme, to the tune of “Tagpuan” ni Moira dela Torre. Naunang i-kiss ni Jen si Coco at gumanti rin ito ng halik kay Jen.

Si Senator Lito Lapid ang stunts and fight director at tawang-tawa kami sa kabayo scenes ni Coco na very Leon Guerrero.

Ka-join din sa saya si Ai Ai delas Alas bilang madir ni Coco na si Aling Mary at sina Joey Marquez and company pati si Super Tekla na kasali rin sa tropang mostly taga-“Ang Probinsyano”.

MMFF parade bukas na

Bukas na ang 45th Metro Manila Film Festival parade of stars.

Ito pala ang longest parade ever na aabutin ng 15.2 kilometers. Magsisimula ito sa Lake Shore C6 at magtatapos sa McKinley Parkway sa BGC.

Sa gabi ng parangal sa December 27 ay highlight ng selebrasyon ang MMFF Hall of Fame Awards na ibibigay sa mga past awardees na nakakuha na ng 3 or more awards in the same category sa nasabing pestibal.

Bibigyan ng espesyal na pagkilala ang stalwarts ng MMFF na sina Joseph Estrada, Marichu Maceda, Boots Anson-Rodrigo at Bienvenido Lumbera.