Abante Tonite Interactive

Coco, Mayor Isko may nilulutong pelikula

0 630

Nagbunga ng mga usap-usapan ang litrato nina Coco Martin at Manila Mayor Isko Moreno habang nag-uusap sa isang kapihan.

Tanong tuloy ng ilan: May niluluto kayang bagong movie project ang dalawa?

“Marami kaming pinag-usapang bagay at abangan ninyo baka sa Disyembre makita ninyo ako sa pinilakang tabing,” sagot ni Yorme sa isang interview.

Parehong laking Manila ang dalawang bigating celebrity.

“‘Yung mapapanood ninyo sa pinilakang tabing, tapos na,” dagdag pa ni Mayor Isko. So, tapos na pala ang shooting nito?

Bukod siyempre sa usapang showbiz ay napag-usapan din ng dalawa ang pagsuporta at handang pagtulong ni Coco sa mga programang isinusulong ng masipag na Mayor ng Maynila lalo na para sa mga kabataan.

“Pareho kami ni Cardo, galing kami sa alaws e. Siyempre, naramdaman niya din ‘yung pakiramdam ng mga mahihirap nating kabataan.

“He wanted to encourage everybody,” pahayag pa ni Yorme.

Si Mayor Isko Moreno ay isa sa mga sumikat na artista, mapa-pelikula o telebisyon noong dekada 80-90. (Jun Lopez)