Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coco nailang idirek si John

0 106

May birdie na nag-tweet na na-intimidate raw umano si Coco Martin na idirek si John Arcilla mula nang manalo ang magaling at beteranong actor ng Volpi Cup bilang best actor sa 78th Venice International Film Festival para sa pelikulang “On the Job: The Missing 8.”

Bongga naman kasi si John dahil siya ang kauna-unahang Pinoy at Asyano ng nasabing prestihiyosong award na nasabing A-list international filmfest.

Bukod sa tinalo niya ang internationally renowned actors na sina Benedict Cumberbatch (Dr.Strange), Antonio Banderas (Zorro), Oscar Isaac at Tim Roth, ka-level na rin niya sina Sean Pen, Javier Bardeem at Brad Pitt na past winners na nabanggit na kategorya sa mga nakaraang edisyon ng Venice Filmfest.

Masasabi ngang isang Pinoy pride si John dahil siya ang male counterpart ni Jaclyn Jose, ang first Asian na nanalo naman ng best actress sa 2016 Cannes Film Festival para sa pelikulang “Ma Rosa.”

But knowing John, siya naman iyong tipo ng taong propesyonal at masunurin na hindi nakikialam sa kanyang director.

Speaking of his participation in “FPJ’s Ang Probinsyano,” mas kapana-panabik na ang mga eksena dahil sanib-puwersa na sina Renato (John Arcilla) at Arturo (Tirso Cruz III) para itumba si Cardo Dalisay (Coco Martin)

Hanggang kailan matataguan ni Cardo ang mga grupong tumutugis sa kanya?

Napapanood ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Hayden inintrigang mukhang alalay ng ex ni Vicki

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Hayden Kho ang litrato habang todo-effort siya sa pag-anggulo sa pagkuha ng litrato.

Makikitang ang kinukuhanan niya ng picture ay ang dating asawa ng kanyang misis na si Atom Henares at ang partner nito.

Marami naman ang humanga sa celebrity doctor dahil sa magandang relasyon ni Hayden sa ex ni Dra. Vicki.

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na kinakitaan ng magandang pakikitungo si Hayden kay Atom dahil noong kasal ng huli sa partner nitong si Nathalie ay dumalo rin ito kasama ang asawang dermatologist of the stars.

May ilan namang kibitzers ang nang-intriga na nagmukha raw dyulalay si Hayden sa mag-asawa dahil pa-impress daw ito sa pagtayo nitong photographer ng dalawa.

May dumepensa naman dito at sinabing ipinakita lang daw ng doktor na maganda ang breeding nito sa naging pakikitungo nito sa ex ng asawa.

Umani naman ito ng iba’t-ibang reaksyon sa mga netizen na humanga sa degree of maturity ni Hayden mula nang maging Christian ito.

SM food to go Banner Ad

Ito ang ilan sa kanilang mga naging komento.

“The maturity of the relationship of this family is goals.”

“Truly passionate our photographer 😬👍🏻✨”

“Just shows how mature he is kesehodang magmukha pa siyang dyulalay ng mag-asawa.”

“He’s so cool and I admire him for that.”

Starlet binalaan kay Gerald

Sa Instagram, ipinost ng Rise Artists Studio, ang litrato nina Gerald Anderson at ng dating Tawag ng Tanghalan contestant at Star Magic artist na si Gigi Lana.

Ito ay may kinalaman sa upcoming series nilang may titulong “Hello Heart” na unang pagtatambal din nila.

Katunayan, may mga nagbabala sa singer na mag-ingat kay Gerald dahil kilala umano itong matulis.

Ito ang ilang sa kanilang mga komento.

“Juju kabahan ka na.”

“Mas maganda naman si julia at submissive hindi ipagpapalit ni gerald anytime soon.”

“Girl, ingat ka!”

“Grabe ang tingin ni Gerald ha. In fairness, ganda ni girl.”

“Mukang strong, independent woman yung Gigi. Di type ni Gerald mga ganun. Dapat sunod sunuran sa kanya.”

“Kakanta kaya si GE dyan? Ughhh!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.