Abante Tonite Interactive

Coco nakakahibang mag-English

1,021

Hindi ito starlet news pero marami ang nagtaka at gustong mahibang kung si Coco Martin nga talaga ang nagsulat ng perfectly written in English na post tungkol sa mga hater niya. Kasi nga, kung ‘yung F at P, minsan parang hindi niya mai-pronounce, pati na rin ‘yung S, tapos keri niya palang ipahayag ang sarili niya in the King’s Language na walang sablay, huh!

Mas bongga siguro kung may vocal version nito para magkaalaman na, ang savage! Hahahaha!
***

Ellen nakakatanda maging dyowa?

Nakakatanda bang maging dyowa si Ellen Adarna? Ang diva that you love, iyan ang tanong matapos mapanood ang bagong patalastas ni John Lloyd Cruz. Ito ‘yung may emeng pagbabalik.

May mga larawan si Lloydie na panaka-naka ay bumubuluga sa social media at kahit pa nga sabihin niyang he seem to have found his bliss as a private citizen John Lloyd, hindi puwedeng itanggi na una, he badly needs a haircut, mag-shave, magpa-facial at pansinin na oo, medyo nga, nagre-recede na ang kanyang hairline, palapad na ang kanyang noo.

Sa patalastas, very the Wandering Jew, Samuel Bilibit si JLC, lakad kete lakad siya kung saan. Photo kete photo sa mga bagay-bagay at pangyayaring interesado siyang i-capture for posterity. Sa kalalakad ni John Lloyd from point A to point Z, hindi ko tuloy maisipang magtaka, homage ba ang patalastas sa directorial style ni Lav Diaz? O baka naman si direk Lav nga ang directed by nito?

Sa true lang, nakaka-miss ang matinee idol looks, heartthrob vibe at malinis looking na Mr. Cruz. Pero kung ang mismong may katawan nga ay iwinawaksi na ang “imahen” niya sa nakalipas na puwede pa rin namang balik-balikan, who are we to argue and insist on what is the best look for him?

Ngayong may patalastas na siya, makakaasa na ba tayo na sa pinakamalapit na hinaharap, babalik na siya sa showbiz? Kahit man lang sa telebisyon?

Wala na nga ba ang katauhan ni Piolo Pascual sa “Home Sweetie Home”? Kung wala na nga, sa palabas bang ito’y muli natin siyang mapapanood? Hindi ba dito sila nagkasama ni Bb. Adarna hanggang sila ay magkabutihan at maging magdyowa at ngayon ay mga magulang na ni Elias?

Kung dito nga siya babalik, exciting! Masusubukan ang husay ng writers pool kung paano ibabalik ang kanyang katauhan at walang duda, marami ang magiging abangers kung sakaling maging totoo ang thinking out loud kong ito.
***

Kakai nagmamaganda kay Alden

Ilang starlet news: Sa dami ng mga pagmamaganda ni Kakai Bautista sa kanyang social media account kung saan super sharing niya ang happy moments nila ni Pambansang Bae Alden Richards sa Hong Kong, parang gusto ko na tuloy manalig na mas bigger star pa siya sa lead star nitong si Kathryn Bernardo, huh!

Si Bautista, isa rin sa mga sumugod mga kapatid sa pagbubukas ng fast food joint sa Laguna na si Richard ang may-ari at doon, kuda kete kuda, hanash kete hanash, putak kete putak si Kakai tungkol sa kanilang friendship at wa siya pakels sa mga basher at hater na nanginig ang laman sa inggit at selos dahil nga nagkakamabutihan sila ni Faulkerson.

Ang dasal ng lahat, na si Alden Richards ay hindi maging panibagong Mario Maurer sa buhay ng Dental Diva.
***

Bianca payanig sa bagong BF?

Si Bianca King, ang starlet of the highest order, may payanig sa IG. May larawan itong kasama ang sinabing may chance na maging bago niyang dyowa, si Ralph Wintle.

Siyempre pa, the Wintle surname rings a bell dahil nga ang husband ni the great Iza Calzado ay si Ben Wintle.

Sa larawan, nakaakbay at nakahilig sa broad shoulders ni Ralph si King. Ang maaa­ring soon to be Lady Wintle, nakangiting tagumpay. At ‘yung kanyang pag-akbay sa hombre, para niyang sinasabi sa lahat na “Velat! Ako ang nagwagi! Maganda ako! Magandang-maganda ako!” Si Wintle naman, shy smile naman ang makikita sa kanya.

Ang tanong, kung saka-sakaling magkasintahan nga silang dalawa, mababago ba nito ang katotohanang si Bianca King, kahit saan network mo ilagay, talagang starlet of the highest order na?