Abante Tonite Interactive

Coco namana ang ugali ni FPJ

242

Magaan ang loob ng Movie Queen na si Susan Roces kay Coco Martin. Lalo silang napalapit nu’ng nagbida ito sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” ng ABS-CBN 2.

Si Coco na ngayon ang Hari ng Telebisyon dahil ilang taon nang umeere ang kanyang serye. Patuloy rin itong nangunguna sa rating. Hindi lang mata­tanda, pati ang mga batang paslit ay iniidolo siya ngayon bilang si Cardo Dalisay.

Hindi naging mayabang si Coco sa kabila ng tagumpay niya ngayon. Hindi siya naging ­maramot. Maraming natutulungang kapwa artista na nanga­ngailangan.

Usap-usapan sa showbiz na namana niya ang ugali ng yumaong Action King na si FPJ. Kahit matagal nang pumanaw ay hindi nalilimutan sa showbiz ang mahusay niyang pakikisama at pagi­ging generous. Marami ring kapwa artista at ordinaryong tao na natutulungan.