Abante Tonite Interactive

Coco nanghihinayang kay FPJ

410

Kung may isa mang bagay na pinanghihina­yangan si Coco Martin ay ang pagkakataon na makilala at maka­tra­baho ang ­kanyang ­idolo. Ito’y ang ­yumaong ­Philippine Movie King na si ­Fernando Poe, Jr.

Hindi kaila sa marami na big fan si Coco at ang kanyang lola ni FPJ. Actually, wala umanong pelikula noon si Da King ang pinalalagpas nila ng kanyang lola.

Ganunpaman, thankful si Coco na nabigyan siya ng pagkakataon na mapalapit sa misis ni Da King, ang movie queen na si Susan Roces at sa anak nilang si Sen. Grace Poe at ang opportunity na bigyang-buhay ang mga classic films nito tulad ng “Panday” at ang matagal nang tumatakbo­ ngayong serye sa Kapamilya network, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na hango rin sa hit movie noon ni Da King with the same title at wala pang katiyakan kung kailan magtatapos sa ere.

Marami pang mga classic hit movies si FPJ ang gustong buhayin ni Coco hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula.

Kung nabubuhay pa siguro hanggang ­ngayon si Da King, tiyak na hindi rin ito papayag na hindi sila magkatrabaho ni Coco na siyang nakikita ng marami na sumusunod sa yapak ng movie king.

Speaking of Coco, ito ang pinakamaagang dumating sa North Cemetery kung saan nakalibing si FPJ kasama ang iba niyang mga kasamahan sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na sina John Prats, Mark Solis at iba pa para sa 80th birthday mass ni Da King.

Dumalo sa nasabing mass ang mayor ng Maynila na si Isko ­Moreno habang visibly absent naman ang matalik na kaibigan ni FPJ na si Joseph ‘Erap’ Estrada.

Janno pasimuno ng reunion kina Andrew, Dennis

Reunion ­movie nina Janno Gibbs, Andrew E at ­Dennis Padilla ang upcoming ­co­medy film ng Viva, ang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo”.

Ito ay pinamahalaan ng actor-director na si Al Tantay. Naka­takdang ipalabas sa mga sinehan sim­ula sa September 4.

Ang tatlo ay huling nagkasama sa isang pelikula in 1997 nang gawin nila sa Viva ang ­pelikulang “Si Mokong, Si Astig­ at si Gamol”.

Masaya ang tatlong bida ng pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” dahil 12 years ang kanilang hinintay bago muling naisakatuparan ang muli nilang pagsasama sa movie.

Hindi ikinakaila nina Dennis at Andrew E na idea umano ni Janno na sila’y muling magsama sa pelikula.

Sa tatlo, si Janno ay nagbalik-Viva in terms of management ­dahil bukod sa acting ay gusto­ rin niyang i-revive ang kanyang singing and recording career.