Abante Tonite Interactive

Coco, napakabait kay Mariel

By
Mariel de Leon
12

NAGSIMULA nang mag-shooting ang apat na pelikulang pasok sa Metro Manila Film Festival 2017.

Kung hindi kami nagkamali, naunang nag-shoot sina Vice Ganda at Daniel Padilla ng The Revengers ng Star Cinema.

Abala raw si Vic Sotto sa pre-production ng Love Traps #FamilyGoals.

Sandaling nakatsikahan din namin si Atty. Joji Alonzo at nabanggit niyang kahapon ang first day shooting ng Always Is Not Enough nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado.

Naikuwento ng Bb. Pilipinas-International Mariel de Leon na nagsimula na siyang mag-shoot ng Ang Panday nila ni Coco Martin.

Nag-enjoy si Mariel sa shooting at napaka­bait ni Coco sa kanya.

“It was really fun. Coco was really nice to work with. He’s down to earth,” pakli ng magandang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Nag-react siya sa ilang namba-bash na hindi siya karapat-dapat na leading lady ni Coco.
Mas type ba nila si Julia Montes?

Sabi ni Mariel, sa halip na i-bash siya, sana eh suportahan na lang itong malaking project nila ni Coco.

“There’s nothing they can do about it anymore. Sana na lang, they just support na lang,” deretsong sagot ni Mariel.