Abante Tonite Interactive

Coco nasarapan kina Vic, Maine

By
0 1,801

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioBago matapos ang Setyembre, totoo nga bang may pangmalakasang press payanig si Coco Martin? Ang nasabing payanig raw ay pasasalamat at pagdiriwang para sa pangmalakasang primetime drama, ang FPJ’s Ang Probinsiyano.

Kung may katotohanan ang tungkol sa payanig, dito na ba ianunsyo kung hanggang kailan pa ang itatagal­ nito? Noong una, Disyem­bre ang nababalitaang pagtatapos, nga­yon Pebrero na nga ba?

Pati yata ang pamunuan, hindi rin tiyak kung kailan ito magpapaalam na aking mahal sa ere at alam na alam din nilang hindi maaa­ring palitan ang programa ni Kuya Cardo.

Abante Hiring – IT dep

Ang isa pang bonggang chika na maaaring ibunyag sa press payanig, kung may katotohanan ang pinalulutang na pralala na may chance na maging panauhing pandangal si Maine Mendoza sa show.

Kung ang Reyna Isplitera Mystica nga, matapos magngangawa at magpainterbyu here, there and everywhere, pasok sa banga na sa FPJ’s Ang Probinsiyano, ang Philippine Sweetheart pa kaya ang hindi puwede?

Career upgrade kay Mendoza na maging panauhing pandangal sa pangmalakasang programa, magpakatotoo na.

Si Rodel nga, sa isang pana­yam na nangyari sa pictorial ng Jak Em Popoy: The Puliscredibles masaya na pakikipagtrabaho niya kay Menggay at kay Bossing Vic Sotto.

Ang paglalahad niya sa panayam, “Sobrang sarap katrabaho nina Bossing at Maine. Sabi nga nila sa Eat Bulaga, talagang pamilya. Ganun sila magtrabaho. Nakakatuwa kasi winelcome nila ‘ko.”

Para kay Direk Rodel parang Ang Probinsyano kapamilya meets Eat Bulaga’s Kapuso kaya good vibes ang shoot, pulos pakwela at tawanan ang nangyari du­ring and after shoot.

Paniniyak ni Martin, todo rin ang mga action sequence sa paparating na MMFF movie niya. Hindi lang plano, kundi gagawin nilang mas makapigil-hininga ang mga ito.

Patungkol sa Ang Probinsyano, walang sinabi si Coco sa pana­yam kung kailan ito matatapos, hangga’t ang mga manonood ay nagmamahal at suporta sa kanilang palabas, tuloy pa rin ito at pinapangako niyang hindi magiging paulit-ulit ang mga kuwento at pangyayaring sa naghahari niyang primetime drama.